Unibersidad ng Freiburg
Ang Unibersidad ng Freiburg (kolokyal na Aleman: Uni Freiburg, opisyal na Albert-Ludwigs-Universität Freiburg ; Ingles: University of Freiburg), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Freiburg im Breisgau, Baden-Württemberg, Alemanya. Ang unibersidad ay itinatag noong 1457 ng dinastiyang Habsburg bilang ang pangalawang unibersidad sa teritoryong Austrian-Habsburg pagkatapos ng Unibersidad ng Vienna. Ngayon, ang Freiburg ay kinikilala bilang ang ikalimang pinakamatandang unibersidad sa Alemanya, na may mahabang tradisyon ng pagtuturo sa humanidades, agham panlipunan at natural na agham. Ang unibersidad ay binubuo ng 11 fakultad at nang-aakit ng mga mag-aaral mula sa buong Alemanya pati na rin sa higit 120 iba pang bansa. Ang mga banyagang mag-aaral ay bumubuo sa 16% ng kabuuang mga mag-aaral.[1]
Ang Unibersidad ng Freiburg ay may kaugnayan sa mga personalidad gaya nina Martin Heidegger, Hannah Arendt, Rudolf Carnap, David Daube, Johann Eck, Hans-Georg Gadamer, Friedrich Hayek, Edmund Husserl, Friedrich Meinecke, Max Weber, Paul Uhlenhuth at Ernst Zermelo. Merong 19 Nobel laureates na konektado ng unibersidad at 15 akademiko ay pinarangalan ng pinakamataas na premyo sa pananaliksik ng bansa, ang Gottfried Wilhelm Leibniz Prize, habang nagtatrabaho sa unibersidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ursula Zeller. "Statistik-Web". Verwaltung.uni-freiburg.de. Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
47°59′39″N 7°50′49″E / 47.994166666667°N 7.8469444444444°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.