Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Greenland

Mga koordinado: 64°11′27″N 51°41′46″W / 64.190833333333°N 51.696111111111°W / 64.190833333333; -51.696111111111
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilimmarfik university Campus sa Nuuk

Ang Unibersidad ng Greenland (Ingles: University of Greenland; Greenlandic:Ilisimatusarfik;Danes: Grønlands Universitet) ay ang nag-iisang unibersidad sa Greenland. Ito ay matatagpuan sa Nuuk, ang kabiserang lungsod. Karamihan sa mga kurso ay itinuro sa Danish, ang ilan ay sa Greenlandic at meron ding mga klase sa Ingles sa pamamagitan ng mga exchange lecturer.

Ang unibersidad ay merong humigit-kumulang 650 mga mag-aaral sa 2015, kung saan halos lahat ay katutubo sa Greenland. Ito ay pinagsisilbihan ng labing-apat na pang-akademikong kawani at limang teknikal-administratibong empleyado.[1] Ang maliit na populasyon ng mag-aaral ay dahil sa patakaran ng pamahalaang magpahintulot ng pag-aaral sa kahit saan sa Europa o Hilagang Amerika, kung saan karamihan sa kabataang Greenlandic ay nagpupunta sa mga unibersidad sa Denmark.[2][3]

Mga Instituto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang university ay may apat na mga instituto:[4]

  • Institute of Learning
  • Institute of Nursing and Health Science
  • Institute of Social Science, Economics and Journalism
  • Institute of Culture, Language and History

Ang unibersidad ay nagpaparangal ng Baccalaureate degree sa lahat ng mga kagawaran at Master's Degree sa lahat ng erya maliban sa Teolohiya. Inaalok din ang Ph.D. at sa ngayon ay meron itong limang mag-aaral.

Ang aklatan ng unibersidad ay nagtataglay ng humigit-kumulang 30,000 volyum.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tungkol sa mga University Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine.. "ca. 150 studenter; 14 lærere foruden rektor samt 5 teknisk-administrativt ansatte."
  2. Kim A. McDonald. "Modest University Aims to Serve Greenland's Particular Needs". chronicle.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-02. Nakuha noong 2007-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Organisation for Economic Co-operation and Development. Secretary-General (1 Enero 2011). NORA Region: The Faroe Islands, Greenland, Iceland and Coastal Norway. OECD Publishing. p. 67. ISBN 978-92-64-09762-9. Nakuha noong 20 Abril 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Member survey report for: Ilisimatusarfik/University of Greenland". uarctic. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-14. Nakuha noong 2007-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

64°11′27″N 51°41′46″W / 64.190833333333°N 51.696111111111°W / 64.190833333333; -51.696111111111 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.