Unibersidad ng Greifswald
Ang Unibersidad ng Greifswald (Aleman: Universität Greifswald, Ingles: University of Greifswald) ay isang pampublikong unibersidad sa pagsasaliksik na matatagpuan sa Greifswald, Alemanya, sa estado ng Mecklenburg-Vorpommern.
Itinatag noong 1456 (ang pagtuturo ay umiiral na mula noong 1436), ito ay isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa Europa, na may mga henerasyon ng mga kilalang nagtapos at kawani. Bilang pang-apat na pinakamatandang unibersidad sa kasalukuyang Alemanya, pansamantala rin itong naging pinakamatandang unibersidad ng mga kaharian ng Sweden (1648–1815) at Prussia (1815–1945). Humigit-kumulang dalawang-katlo sa 10,179 mag-aaral ay mula sa labas ng estado, kabilang ang mga dayuhang estudyante mula sa 90 bansa. Dahil sa atmospera ng maliit ng bayan at presensya ng arkitektura ng unibersidad sa buong lungsod, ang Greifswald ay madalas na inilarawan bilang isang "unibersidad na may bayang itinayo sa paligid nito" sa halip na isang bayan na may unibersidad.
54°05′41″N 13°22′29″E / 54.094638888889°N 13.374625°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.