Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Kanlurang Australia

Mga koordinado: 31°58′49″S 115°49′07″E / 31.9803°S 115.8186°E / -31.9803; 115.8186
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga arkong gawa sa apog ay isang tampok na atraksyon sa unibersidad

Ang Unibersidad ng Kanlurang Australia (Ingles: University of Western AustraliaUWA) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik sa estado ng Kanlurang Australia. Angpangunahing kampus ng unibersidad ay nasa Perth, ang kabisera ng estado, at may isang pangalawang kampus sa Albany at iba't-ibang iba pang mga pasilidad sa ibang lugar.

Ang mga nagtapos sa UWA ay kinabibilangan ng isang Punong Ministro ng Australia (Bob Hawke), limang hukom ng Mataas na Hukuman ng Australia (kabilang ang isang punong hukom, Robert French), isang Gobernador ng Reserve Bank (H. C. Coombs), iba't-ibang mga pederal na ministro ng gabinete, at pito sa walong pinakahuling premier ng Kanlurang Australia. Noong 2014, ang unibersidad ay nakapagprodyus ng ika-100 nitong Rhodes Scholar.[1] Dalawang mga kasapi ng kaguruan ng UWA, sina Barry Marshall at Robin Warren, ay nanalo ng Nobel bilang isang resulta ng kanilang mga pananaliksik sa unibersidad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "UWA student wins 100th Rhodes Scholarship". news.uwa.edu.au. 2014-10-31. Nakuha noong 2014-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

31°58′49″S 115°49′07″E / 31.9803°S 115.8186°E / -31.9803; 115.8186 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.