Unibersidad ng Milano-Bicocca

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
U1 visto da piazza della Scienza, Milano.jpg

Ang Unibersidad ng Milano-Bicocca (Italyano: Università degli Studi di Milano-Bicocca, UNIMIB) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Milan, Italya, na naggagawad ng mga kuwalipikasyon sa antas di-graduwado at graduwado. Itinatag noong 1998, ito ay kabilang sa Times Higher Education 2014 ranking sa pinakamahusay na 100 Unibersidad na may 50 taong gulang pababa, sa numero 21 sa buong mundo, at una sa Italya.

Ang Unibersidad ng Milano-Bicocca ay nagmula sa paghahati ng Unibersidad ng Milan noong 1998.

Ang Milano-Bicocca ay isang multidisiplinaring unibersidad na nag-aalok ng malawak na hanay ng akademikong mga programa sa iba't ibang mga disiplina gaya ng ekonomiks, istadistika, batas, edukasyon, sosyolohiya, natural na agham, atbp.