Unibersidad ng Montana
Ang Unibersidad ng Montana (Ingles: University of Montana), na madalas na tinutukoy bilang UM)[1] ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Missoula, estado ng Montana, sa Estados Unidos. Itinatag noong 1893, ang unibersidad ay ang flagship na kampus ng Unibersidad ng Montana Sistema at ang pinakamalaking institusyon nito. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa paanan ng Bundok Sentinel, ang bundok na nagtataglay ng pinakakilalang palatandaan ng lungsod ng Missoula, isang malaking letrang "M" sa dalisdis ng bundok.
Ang Unibersidad ng Montana ay may rangging ika-17 sa buong bansa at ikalima sa mga pampublikong unibersidad sa na may pinakamaraming naiprodyus na Rhodes Scholars, na may kabuuang bilang na 28.[2] Ang Unibersidad ay may 11 Truman Scholars, 14 Goldwater Scholars at 40[3] Udall Scholars sa pangalan nito.[4]
Akademya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Unibersidad ng Montana ay binubuo ng labing-isang kolehiyo at mga paaralan: Kolehiyo ng Humanidades at mga Agham; Phyllis J. Washington Kolehiyo ng Edukasyon at Agham Pantao; Kolehiyo ng Palagubatan at Konserbasyon; Kolehiyo ng Propesyong Pangkalusugan at Agham Biyomedikal; Kolehiyo ng Biswal at Performatibong Sining; Paaralan ng Batas; Paaralan ng Negosyo; Paaralan ng Peryodismo; Paaralan ng Pinalawig at Panghabambuhay na Pag-Aaral; Kolehiyo ng Missoula at Kolehiyo ng Bitterroot.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The name of the campus is the University of Montana ‒ Missoula.
- ↑ "University of Montana | Best College | US News". Colleges.usnews.rankingsandreviews.com. Pebrero 27, 2012. Nakuha noong Marso 2, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Drake, Laure (April 10), UM Student Wins Prestigious Award, UM News, hinango noong Abril 30, 2014
- ↑ "UM External Scholarship Recipients 1904–present". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-06-08. Nakuha noong Marso 28, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)