Unibersidad ng Novi Sad

From Wikipedia
Jump to navigation Jump to search

Ang Unibersidad ng Novi Sad (Serbiyo: Универзитет у Новом Саду, romanisado: Univerzitet u Novom Sadu, Ingles: University of Novi Sad) ay isang pampublikong unibersidad sa Serbia. Ito ay isa sa pinakamahalagang sentrong pang-edukasyon at pananaliksik sa Timog Silangang Europa na may halos 40,000 mga mag-aaral at 3,000 akademikong kawani (sa 2018–19 taong akademiko). Ito ay binubuo ng 14 fakultad at tatlong instituto na matatagpuan sa apat na mga lungsod ng unibersidad - Novi Sad, Sombor, Subotica at Zrenjanin. Ito ay kabilang sa grupo ng mga komprehensibong unibersidad, na nailalarawan bilang nagbibigay ng instruksyon sa halos lahat ng larangan ng agham at mas mataas na edukasyon.