Unyon ng manggagawa
Ang unyon ng manggagawa (Ingles: trade union, labor union) ay isang organisasyon, samahan, o pangkat na kumakatawan sa mga manggagawa o mga taong nagtatrabaho sa isang partikular na industriya.[1]
Gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga ginagawa ng unyon ng manggagawa ay ang pagprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa.[1] Tinatalakay nito sa mga employer ang mga suweldo ng mga kasaping mangagawa, kondisyon sa kanilang pagtatrabaho at iba pang alalahanin ng mga kasaping manggagawa.[1][2]
Sinasamahan din ng representante ng unyon ng manggagawa ang mga miyembro nito sa mga pagpupulong ng pagdidisiplina at karaingan.[2]
Tinutulungan din ng unyon ng manggagawa ang kanilang mga miyembro sa mga legal at pinansyal na suliranin.[2]
Unyon ng manggagawa ayon sa bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga 600 na mga unyon ng mangagawa na nakarehistro sa Pilipinas ay ang Federation of Free Workers (FFW), Kilusang Mayo Uno (KMU), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), at ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).[3] Ilan sa mga pangunahing alalahanin ng mga unyon ng mangagawang ito ay ang pagkakaroon ng disenteng trabaho para sa mga naghahanap ng trabaho at pangangalaga sa trabaho para sa mga may trabaho.[3] Katulong ng mga unyon ang International Labour Organization sa pagsuri ng Labor Code o Batas ng Paggawa, kontraktwalisasyon at mahigpit na mga probisyon sa pag-oorganisa at welga.[3]
Naglabas ng 15-Point Agenda ang mga unyon ng manggagawa noong Disyembre 2023 upang matiyak ang disenteng trabaho para sa mga manggagawa at maisakatuparan ang Sustainable Development Goals ng Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations)[4]
Nagkakaisang Kaharian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Nagkakaisang Kaharian (Ingles: United Kingdom), ang mga unyon ng manggagawa ay may espesyal na katayuan sa batas na nagbibigay sa mga ito ng mga karapatan.[2]
Dahil sa mga unyon ng manggagawa ay nagkaroon ng pambansang minimum na sahod at pinaigting ang kaligtasan ng mga manggagawa.[2] Nabawasan ang oras ng paggawa at hinikayat ang pagkakaroon ng malusog na balanse sa trabaho at pamumuhay na naging dahilan ng pagbuti ng pamantayan ng pamumuhay.[2] Nawala ang child labour o pagtratrabaho ng bata at higit na napabuti ang proteksiyon ng mga migranteng manggagawa.[2]
Umaabot sa pitong milyong manggagawa, kabilang na ang mga nars, tagapaglinis sa mga ospital, drayber ng mga bus, at inhinyero, ang miyembro ng mga unyon ng manggagawa.[2] Noong 2022 ay mayroong 6.25 milyon na mga kasapi ng unyon.[5][6]
Nagbabayad ng membership fee ang mga kasapi ng unyon at naghahalal ng mga kinatawan upang kumatawan sa kanila sa mga pag-uusap na may kinalaman sa trabaho.[5]
Indya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Indya, ang batas na nagkokontrol at nag-aayos sa mga mekanismo ng mga unyon ng manggagawa ay ang Indian Trade Act o Indiyanong Batas ng Pangangalakal ng 1926.[7] Sa bansang ito, ang mga bumubuo at nagpapatakbo ng mga unyon ng manggagawa ay ang mga partidong pang pulitika.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "trade union". Cambridge Dictionary. Cambridge University Press & Assessment. Nakuha noong Enero 12, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "What is a trade union? | What we do". UNISON National. Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Workers' and Employers' Organizations in the Philippines (ILO in the Philippines)". www.ilo.org. Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Philippine unions present a 15-Point Labour Agenda to improve working conditions for formal and informal workers". www.ituc-csi.org. 2023-01-13. Nakuha noong 2024-01-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 5.0 5.1 "CIPD | Trade Unions | Factsheets". CIPD. Nakuha noong 2024-01-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Bishop, Ivan (25 Mayo 2022). "Trade Union Membership, UK 1995-2021: Statistical Bulletin" (PDF). Department for Business, Energy & Industrial Strategy. Nakuha noong 21 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 7.0 7.1 "What is Trade Union? Definition of Trade Union, Trade Union Meaning". The Economic Times. Nakuha noong 2024-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)