Ursus maritimus
| Oso ng Polo | |
|---|---|
| Katayuan ng pagpapanatili | |
| Pag-uuring pambiyolohiya | |
| Domain: | Eukarya |
| Kingdom: | Animalia |
| Phylum: | Chordata |
| Class: | Mammalia |
| Order: | Carnivora |
| Family: | Ursidae |
| Genus: | Ursus |
| Species: | U. maritimus |
| Pangalang binomial | |
| Ursus maritimus Phipps, 1774[2] | |
| Sakop ng oso ng polo | |
| Kasingkahulugan | |
|
Ursus eogroenlandicus | |
Ang oso ng polo, osong pangpolo, osong pampolo, o osong polar (Ursus maritimus, literal na "osong pandagat" o "oso ng dagat") ay isang malaking osong naninirahan sa Artiko. Tinatawag din itong puting oso o oso ng hilaga. Unti-unti na itong nangangamatay dahil sa pag-init ng globo na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo. Kaya't kapag lumalangoy ang mga oso ng hilagang polo, hindi sila nakapapamahinga, at nalulunod.
Mga nilalaman
Kaanyuan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang balat ng oso ng polo ay binubuo ng isang patong ng makapal na pang-ilalim na balat at isang panlabas na sapin ng pansanggalang na mga buhok, na lumilitaw na puti o may pagkakayumanggi subalit nanganganinag sa katunayan. Napapanatiling mainit ang kanilang pakiramdam dahil sa mabalahibong kabalatan.[3] Malalaksa sila at nakalalangoy din. Katulad ang kanilang sukat o laki sa isang pangkaraniwang oso ngunit may mas payat na leeg, mahahabang mga binti, at balahibo.
Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Karamihan sa kanila ang karniboro o kumakain ng karne. Karamihan sa mga kinakain nila ang mga karnerong dagat at isda. Kapag naninila ang mga osong polar, kalimitan silang naghihintay sa mga butas sa niyebe, kung saan umaahon o sumisilip upang huminga. Namumuhay silang nag-iisa. Pumipiling sa kanilang mga ina ang mga batang oso ng polo sa loob ng 1.5–2.5 mga taon, at nagiging nasa hustong gulang na kapag 5–6 mga taon na. Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25–30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar, subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.
Pagtatalik[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo. Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito. Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina, at lumalabas na sila pagkaraan. Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon. Kung minsan, dahil sa pag-init ng globo, hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay. Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2–3 mga taon.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Schliebe et al (2008). Ursus maritimus. 2006 Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 9 Mayo 2006. Kabilang sa database ang isang mahabang katwiran kung bakit nanganganib ang uring ito.
- ↑ Phipps, John (1774). A voyage towards the North Pole undertaken by His Majesty's command, 1773 /by Constantine John Phipps.. London :Nilimbag ng W. Bowyer at J. Nicols, para kay J. Nourse. pp. 185. http://www.biodiversitylibrary.org/page/628763. Hinango noong 2008-09-08.
- ↑ Lockwood, pp. 10–16
Bibliyograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
| Mayroong kaugnay na impormasyon sa Wikispecies ang Ursus maritimus |
| May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong: |
- Lockwood, Sophie (2006). Polar Bears. Chanhassen, MN: The Child's World. ISBN 1-59296-501-6.