Urusei Yatsura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Urusei Yatsura
Urusei.jpg
Poster ng Urusei Yatsura sa Harajuku, Tokyo
うる星やつら
DyanraKomedya, Romansa, Sci-fi[1]
Manga
SumulatRumiko Takahashi
NaglathalaShogakukan
MagasinWeekly Shonen Sunday
Takbo19781987
Tomo34
Teleseryeng anime
DirektorMamoru Oshii & Kazuo Yamazaki
EstudyoStudio Pierrot, Studio Deen & Kitty Films
Inere saFuji Television, Animax
Original video animation
EstudyoKitty Films
Tinampok na mga pelikula

  1. Only You
  2. Beautiful Dreamer
  3. Remember My Love
  4. Lum the Forever
  5. The Final Chapter
  6. Always, My Darling
Portal-puzzle.svg Portada ng Anime at Manga

Ang Urusei Yatsura (うる星やつら) ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapon na sinulat at ginuhit ni Rumiko Takahashi at nilathala ng baha-bahagi sa Weekly Shōnen Sunday mula 1978 hanggang 1987. Ang 374 indibiduwal na mga kabanata ay nailathala sa 34 tankōbon na mga bolyum. Kinukuwento nito ang istorya ni Ataru Moroboshi, at ang alien o taga-ibang planetang si Lum, na naniniwalang siya ang asawa ni Ataru pagkatapos niyang aksidentang mag-propose sa kanya. Mabigat na gumagamit ang serye ng mitolohiyang Hapon, kulturang Hapon at malikhaing paglalaro ng mga salita sa Hapon. Nagkaroon ito ng adaptasyon sa seryeng pantelebisyon na anime na ginawa ng Kitty Films at umere sa Fuji Television at mga kaanib nito mula 1981 hanggang 1986 sa 195 kabanata nito. Sumunod dito ang labing-dalawang OVA at anim na pelikulang pansinehan, at ang serye ay nailabas sa VHS, Laserdisc, DVD, at Blu-ray Disc sa bansang Hapon.

Plot[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang lahi mula sa ibang planeta na kilala bilang ang mga Oni ang dumating sa planetang Daigdig upang sakupin ang planeta. Imbis na sakupin ang planet sa pamamagitan ng puwereshan, binigyan ng mga Oni ang mga tao ng pagkakataon na lumaban para sa kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagsali sa isang kompetesyon. Ang kompetisyon ay ang ibang bersyon ng habulan-taya (ang tawag sa laro sa wikang Hapon ay literal naisasalin sa "ang laro ng mga Oni"), kung saan kailangang hawakan ng isang manlalarong tao ang sungay sa ulo ng isang Oni sa loob isang linggo. Ang napili ng kompyuter na manlalarong tao ay si Ataru Moroboshi, isang mahalay, malas at mag-aaral ng mataas na paaralan na hindi matagumpay sa akademya na mula sa kathang-isip na Bayan ng Tomobiki (友引町) sa Nerima, Hapon, at ang manlalarong Oni ay si Prinsesa Lum, ang anak ng pinuno ng mga puwersang mananakop.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Urusei Yatsura DVD Boxset - Review". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Mayo 2018.