Usapang Wikipedia:Pagsasalinwika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Sinimulan ang pahinang ito ayon sa mga nagiging usapan sa WP:Kapihan, partikular ang nasa mga seksyong Wikipedia:Kapihan#Mga katanungan sa pagsasalin at Wikipedia:Kapihan#WP:SALIN? (Wikipedia:Kapihan#Balangkas at Wikipedia:Kapihan#Usapan hinggil sa balangkas), unang iminungkahi ni User:Lenticel. Maaaring baguhin at dagdagan kung nais o nararapat, o kung anuman ang nangyayari pa sa usapan hinggil sa paksang ito. - AnakngAraw 16:49, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ipinapahulugan po ba nitong isasarado na natin ang usapan dahil mabisa na ito? Kung ganoon, sumasang-ayon ako sa pagsasara dahil ito naman ang tama, at lubos namang makikitang ito ang sinasang-ayunan ng pamayanan. -- Felipe Aira 04:28, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Para sa akin, maisasara na iyan. Magagawa naman ang mga modipikasyon ayon sa takbo sa paglaon ng ating mga darating pang gawain, habang lumalawig pa ang ating Wiki. Salamat po. - AnakngAraw 17:43, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]