Pumunta sa nilalaman

Ozias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Uzzias)
Ozias o Azarias
Uzzias mula sa guhit ni Guillaume Rouillé na Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Kaharian ng Juda
Sinundan Amazias ng Judah na kanyang ama
Sumunod Jotham, kanyang anak
Ama Amaziah
Ina Jecoliah

Si Uzzias o Uzziah ( /əˈzə/; Hebreo: עֻזִּיָּהוּ‘Uzzīyyāhū, "ang aking lakas ay si Yah"; Griyego: Ὀζίας; Latin: Ozias), o Azarias ( /ˈæzəˈrə/; Hebreo: עֲזַרְיָה‘Azaryā; Griyego: Αζαρίας; Latin: Azarias) ay hari ng Kaharian ng Juda. Siya ay naghari sa edad na 16 at naghari sa Herusalem ng 52 taon (2 Kronika 26:2). Siya ang ama ni Jotham. Ayon sa 2 Kronika 26:16-21, si Uzzias ay tinubuan ng ketong dahil sa pagsalangsang laban sa Panginoon dahil sa pagsusunog ng kamangyan sa dambana ng kamangyan na itinalaga lamang para sa mga saserdote na mga inapo ni Aaron. Ayon sa 2 Kronika 27:2, si Uzzias ay isang matuwid na tao. Ang kanyang ama ay si Amazias(2 Kronika 26:1) ngunit ayon sa Ebanghelyo ni Mateo 1:8, si Jehoram ang ama ni Uzzias.