Vänersborg

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Vänersborg
Ang Vänersborg noong Hulyo 2006
Ang Vänersborg noong Hulyo 2006
Vänersborg is located in Västra Götaland
Vänersborg
Vänersborg
Vänersborg is located in Sweden
Vänersborg
Vänersborg
Mga koordinado: 58°22′50″N 12°19′30″E / 58.38056°N 12.32500°E / 58.38056; 12.32500Mga koordinado: 58°22′50″N 12°19′30″E / 58.38056°N 12.32500°E / 58.38056; 12.32500
BansaSuwesya
Lalawigan (sinauna)Västergötland
LalawiganLalawigan ng Västra Götaland
BayanBayan ng Vänersborg
Lawak
 • Kabuuan11.57 km2 (4.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2010)[1]
 • Kabuuan21,699
 • Kapal1,876/km2 (4,860/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)

Ang Vänersborg (tungkol sa tunog na ito pagbigkas) ay isang pamayanan at luklukan ng Bayan ng Vänersborg, Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya na may 21,699 na mamamayan (sa kabuuang santauhan ng bayan na 37,369). Hanggang 1997 ito ang punungbayan ng Lalawigan ng Älvsborg, na binuwag noong 1998. Simula noong 1999 ang Vänersborg ay naging luklukan ng batasang pampook ng Lalawigan ng Västra Götaland. Ang lungsod ay matatagpuan sa katimugang pampang ng lawa ng Vänern, malapit kung saan dumadaloy palabas ang ilog Göta älv.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong mga katapusan ng Gitnang Kapanahunan, isang pamilihan ang itinatag sa Brätte sa may katimugang dulong bahagi ng Vassbotten (pinakatimog na bahagi ng Vänern), na sa kasalukuyang timog ng Vänersborg. Ang pamayanan ay may mga sementadong kalsada na pinalilibutan ng mga kabahayan at kabukiran at noong 1580, ito ay pinagkalooban ng karapatang pambayan. Ngunit ang mga lupang-sakop nito ay hindi naging angkop sa pagdadala ng mga kalakal dahil sa pagbabanlik ng daungan nito, na naging mahirap upang mapangalagaan ang mga kalakal. Kaya noong 1644, ilinipat ang bayan sa layong 3½ kilometro hilaga ng Huvudnäset, at ang bagong bayan ng Vänersborg ay naitatag kahit may pag-aatubili sa mga mamamayan.[2]

Ang pangalan ng "Vänersborg" ay nangangahulugang "kuta sa Vänern". Ito ay nanggaling sa kutang itinayo noong 1644 upang sanggalan ang bayan. Ang kutamaya din ay noon pa mang taong 1644, na isinasalarawan ang isang ginintuang daong (isang bojort[3]) na may dalawang watawat ng Suwesya.

Noong mga 1800, ang Vänersborg ay may santauhang 1,500 mamamayan. Ang Vänersborg ay naging isang dako kung saan linululan ang mga inaangkat ng mga daong patungong Talon ng Trollhättan (at pabalik) at nagpapatuloy sa Gotemburgo at sa ibang pang pook. Ang Agusan ng Haring Carlos ay binuksan noong 1778 sa pagitan ng Vänersborg at Trollhättan na siyang ikinaigsi ng pagbubuhat ng daong sa lupa. Binuksan naman noong 1800 ang Agusan ng Trollhätte na kung saan sa pamamagitan ng mga tarangkahang pantubig nito ay maaari nang tumungo ang mga daong sa pagitan ng Vänern at ng dagat.[3] Ang alulusan sa pagitan ng Vanern at Gotemburgo ay naging mahalagga sa pag-unlad ng bayan.

Ang Vänersborg noong 1833, isang taon bago mangyari ang malawakang sunog.

Natupok ng apoy ang karamihan ng mga kabahayang gawa sa kahoy noong 1834. Muling itinayo ang bayan na may daang nakapatayo at nakapahalang na magpasahanggang ngayon ay katangi-tangi sa Vänersborg.[kailangan ng sanggunian]

Ang Torpaskolan (mataas na paaralan) ay unang binuksan noong 1965 at pinalitan naman ng Nya Torpaskolan noong 2011. Ang Arena ng Vänersborg ay binuksan noong 2009.


Kapanahunan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Vänersborg ay may malamig na kapanahunang pangkaragatan.[4] Ito rin ay may mamasa-masang kapanahunan kaysa sa ibang bahagi ng Suwesya. Ito ay may balasak na kadanligan na 709.1 kalibopanukat mula 1961 hanggang 1990.[5] Sa panimula ng ika-21 dantaon tumaas ang kadanligan dito. Ang pagkakaiba sa pagitan ng tag-araw at tag-yelo ay higit na maliit kung ihahambing sa karamihan ng mga katihan ng Suwesya, dahil na rin ito ay malapit sa Kattegat at sa lawa ng Vänern. Sa kabila nito, masasabi ring ang kapanahunan ay isang panlupalop kahit ito ay may uring karagatnin. Ang pook sa may baybayin ng lawa ng Vänern ay binabago ang kapanahunan na nagdadala ng higit na ulan at hangin, at maaaring mapaigting ang niyebe bunga ng lawa tuwing tag-yelo.


Malak ng kapanahunan sa Vänersborg 2002–2018; sukdulan mula noong 1901
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Sukdulang taas °S (°P) 10.5
(50.9)
14.9
(58.8)
21.0
(69.8)
26.6
(79.9)
28.7
(83.7)
32.0
(89.6)
33.1
(91.6)
33.0
(91.4)
26.7
(80.1)
21.3
(70.3)
14.1
(57.4)
11.7
(53.1)
33.1
(91.6)
Tamtamang higdulan °S (°P) 7.5
(45.5)
7.5
(45.5)
12.6
(54.7)
19.1
(66.4)
24.3
(75.7)
26.2
(79.2)
28.3
(82.9)
26.8
(80.2)
23.1
(73.6)
16.9
(62.4)
11.8
(53.2)
8.5
(47.3)
29.4
(84.9)
Balasaking taas °S (°P) 1.4
(34.5)
1.7
(35.1)
5.5
(41.9)
11.4
(52.5)
16.4
(61.5)
19.7
(67.5)
22.1
(71.8)
20.8
(69.4)
17.1
(62.8)
11.1
(52)
6.2
(43.2)
3.1
(37.6)
11.37
(52.48)
Arawang tamtaman °S (°P) −1.2
(29.8)
−1.1
(30)
1.5
(34.7)
6.3
(43.3)
11.2
(52.2)
14.5
(58.1)
17.1
(62.8)
16.2
(61.2)
12.8
(55)
7.5
(45.5)
3.6
(38.5)
0.5
(32.9)
7.41
(45.33)
Balasaking baba °S (°P) −3.8
(25.2)
−3.9
(25)
−2.5
(27.5)
1.2
(34.2)
5.9
(42.6)
9.3
(48.7)
12.1
(53.8)
11.6
(52.9)
8.4
(47.1)
3.9
(39)
1.0
(33.8)
−2.1
(28.2)
3.42
(38.17)
Tamtamang kubdulan °S (°P) −15.2
(4.6)
−13.4
(7.9)
−11.1
(12)
−5.3
(22.5)
−1.4
(29.5)
3.7
(38.7)
6.9
(44.4)
5.1
(41.2)
0.4
(32.7)
−3.9
(25)
−7.3
(18.9)
−11.9
(10.6)
−18.2
(−0.8)
Sukdulang baba °S (°P) −28.0
(−18.4)
−32.5
(−26.5)
−26.9
(−16.4)
−19.0
(−2.2)
−3.5
(25.7)
0.2
(32.4)
2.9
(37.2)
1.1
(34)
−4.0
(24.8)
−11.9
(10.6)
−16.8
(1.8)
−25.5
(−13.9)
−32.5
(−26.5)
Balasaking kadanligan mm (dali) 66.0
(2.598)
46.7
(1.839)
39.7
(1.563)
44.9
(1.768)
53.2
(2.094)
81.5
(3.209)
81.2
(3.197)
94.4
(3.717)
68.2
(2.685)
85.6
(3.37)
86.1
(3.39)
85.4
(3.362)
832.9
(32.792)
Sanggunian #1: SMHI Open Data[6]
Sanggunian #2: SMHI Monthly Data 2002–2018[7]

Agimat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagkikimot, pangangalakal, pag-aangkat at ang dati nitong katayuan bilang punungbayan ng Lalawigan ng Älvsborgs ay nakatulong sa pagpapaunlad ng Vänersborg. Simula noong mga ika-17 dantaon, karamihan sa mamamayan nito ay mga tagapangasiwa, mangangalakal, at mga bihasang manggagawa at mangingimot. Sa kasalukuyan ang bayan ay bantog sa mga maypagawa ukol sa mahugnay na aghimuing agsikapan, AP, katuruan at bihasang paglilingkod. Ang pangangasiwang pambayan ay mayroon pa ring mahalagang gampanin.

Katuruan[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming mga paaralan sa Vänersborg. Kabilang dito ang Torpaskolan, Tärnanskolan, Vänerskolan, Mataas na Paaralan ng Birger Sjöberg at pati na rin ang paaralang ng Fridaskolan.

Palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kapisanang pang-bandy na IFK Vänersborg ay lumalaban sa pinakamataas na hanay ng Elitserien at ang Blåsuts BK naman ay kadalasang lumalaban sa susunod na mababang hanay ng Allsvenskan. Ang Arena ng Vänersborg ay isang panloob na arena sa palakasang bandy. Gumawa ng ingay ang Arena ng Vänersborg dahil lumabis ang paggugol sa pagpapatayo nito na umabot sa 300,000,000.00 SEK o higit pa.

Pinaunlakan ng Vänersborg ang Pandaigdigang Kampeonato ng Bandy ng 2013 sa pangkat panlalaki.[8] Sa pangalawang pagkakataon, ang Pangkat A ay isang hiwalay na pangyayari.[9] Sa susunod na mangyayaring palaro sa 2019, magiging kasali na ang dalawang pangkat.

Pook[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Vänersborg ay binubuo ng maraming maliliit at malalaking mga kapookan: Onsjö, Mariedal, Blåsut, Vargön, Lilleskog, Korseberg, Torpa, Nordstan, Restad at Öxnered.

Banwahan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Nobyembre 22, 2010, nagbitiw sa tungkulin ang punong-bayan ng Vänersborg na si Lars-Göran Ljunggren (Sosyaldemokrata) dahil sa pagkasangkot sa dalawang alingasngas ng Arena ng Vänersborg kung saan lubos na lumabis ang paggugol nito sa naunang pagtataya, at sa kasunduan nito sa Toppfrys na siniyasat ng Samahang Europeo. Nanilbihan si Ljunggren nang 30 taon sa Sangguniang Lungsod ng Vänersborg, at nang tatlo't kalahating taon bilang punong-bayan. Noong 2011, sinundan siya ng isang Konserbador na banwahanin na si Gunnar Lidell. Simula noong halalan ng 2014, si Marie Dahlin ang punong-bayan, isang Sosyaldemokrato.

Bantog na mga mamamayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Birger Sjöbergs Frida.jpg

Ang makatang si Birger Sjöberg (1885–1929) ay ipinanganak sa Vänersborg. Nagsulat siya ng mga paghahanga ukol sa Vänersborg, lalo na sa Fridas bok (1922), kung saan makikita ang paghahambing na "Vänersborg – ang maliit na Paris". Ang Skräckleparken ay isang liwasan sa kahilagaang bahagi ng Vänersborg. Nagbibigay ito ng magandang tanawin ng lawa ng Vänern at dito rin matatagpuan ang bantayog ng Ragnar.

Ang kilalang manunuklas at mangangalakal na Suweko na si Axel Eriksson ay ipinanganak din sa Vänersborg. Itinatanghal sa Museong Pambayan ang kalipunan ng mga ibon mula sa timog-kanluraning Aprika na kinalap din ni Eriksson.

Isa sa mga kasapi ng pangkat-mang-aawit ng Junip na si José González ay lumaki rin sa Vänersborg.

Ang mang-aawit na si Agnes Carlsson ay ipinanganak sa Vänersborg.

Ang pangkat-mang-aawit na punk rock na Division of Laura Lee ay nagmula sa Vänersborg.

Ang tagalalang ng pelikulang Hip Hop na si Tommy Black ay ipinanganak sa Vänersborg.

Karagdagang kaalaman[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Tätorternas landareal, folkmängd och invånare per km2 2005 och 2010" (sa Suweko). Palaulatang Suweko. Disyembre 14, 2011. Sininop mula sa orihinal noong Enero 10, 2012. Hinango noong Enero 10, 2012.
  2. "Brätte - Ang lungsod bago ang Vänersborg". Museo ng Vänersborgs. Hinango noong Hunyo 3, 2015.
  3. 3.0 3.1 "Paglalayag sa Lawa Vänern" (PDF). Vänerregionens Naringslivsrad. p. 4. Hinango noong Setyembre 10, 2011.
  4. "Vanersborg, Buod ng Kapanahunan ng Suwesya". Weatherbase. Hinango noong Abril 17, 2015.
  5. "Precipitation mga balasak mula 1961 hanggang 1990 (Suweko)". SMHI. Hinango noong Abril 17, 2015.
  6. "SMHI Öppen Data för Vänersborg" (sa Suweko). Swedish Meteorological and Hydrological Institute.
  7. "Års- och månadsstatistik" (sa Suweko). SMHI. Mayo 24, 2019.
  8. "worldbandy.com". Sininop mula sa orihinal noong Setyembre 1, 2012. Hinango noong Pebrero 3, 2012.
  9. bandynet.ru

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]