Victor Manuel II

Si Victor Manuel II (14 Marso 1820 – 9 Enero 1878), na ang buong pangalan ay Vittorio Emanuele Maria Alberto Eugenio Ferdinando Tommaso, ay naging hari ng Piedmont, Savoy, at ng Sardinia mula 1849 hanggang 1861. Noong 18 Pebrero 1861, inako niya ang pamagat na Hari ng Italya upang maging unang hari ng isang nagkakaisang Italya, isang titulo na hinawakan niya hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1878. Binigyan siya ng mga Italyano ng bansag na "Ama ng Amang-Bayan".
Biograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Victor Manuel ang panganay na anak nina Carlos Alberto, Hari ng Cerdeña, at Maria Teresa ng Toscana. Ipinanganak siya sa Turin sa Palazzo dei Principi di Carignano at ginugol ang kaniyang mga unang taon sa Florencia. Ang kaniyang ama, si Carlos Alberto, ay isa sa iilang lalaking miyembro ng Pamilya Saboya at kabilang sa sangay ng kadete ng dinastiyang Savoy-Carignano. Siya ang pangalawa sa linya ng trono.[1][2]
Si Carlos Alberto, na may liberal na simpatiya, ay kasangkot sa mga pag-aalsa noong 1821 na humantong sa pagbibitiw ni Victor Manuel I. Dahil dito, inutusan ng bagong Hari, si Carlos Felix ng Savoy, si Charles Albert at ang kanyang pamilya na pumunta sa Novara.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ la cui origine risale al 1620; con Tommaso Francesco, figlio di Carlo Emanuele I di Savoia.
- ↑ Dopo la morte del re di Sardegna e di suo fratello, Carlo Alberto sarebbe divenuto il nuovo Re.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.