Pumunta sa nilalaman

Vince Dizon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vince Dizon

Dizon in 2025
Kalihim ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Setyembre 1, 2025
PanguloBongbong Marcos
Nakaraang sinundanManuel Bonoan
Ika-41 na Kalihim ng Transportasyon
Nasa puwesto
Pebrero 21, 2025 – Setyembre 1, 2025
PanguloBongbong Marcos
Nakaraang sinundanJaime Bautista
Sinundan niGiovanni Lopez (nanunungkulan)
Tagapayo ng Pangulo para sa Tugon sa COVID-19
Nasa puwesto
Nobyembre 23, 2021 – Hunyo 30, 2022
Appointed byRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanNaitatag na posisyon
Tagapangasiwa ng Pagsusuri ng IATF-EID
Nasa puwesto
Marso 16, 2020 – Hunyo 30, 2022
Appointed byRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanNaitatag na posisyon
Sinundan niBinuwag ang task force
Pangalawang Punong Tagapagpatupad ng Pambansang Task Force Laban sa COVID-19
Nasa puwesto
Marso 16, 2020 – Hunyo 30, 2022
Appointed byRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanNaitatag na posisyon
Sinundan niBinuwag ang task force
Tagapayo ng Pangulo para sa mga Pangunahing Programa at Proyektong Prayoridad
Nasa puwesto
Agosto 27, 2019 – Hunyo 30, 2022
Appointed byRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanNaitatag na posisyon
Pangulo at CEO ng Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base
Nasa puwesto
Agosto 6, 2016 – Oktubre 15, 2021
Appointed byRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanArnel Paciano Casanova
Sinundan niAristotle Batuhan
Pansariling Detalye
Isinilang
Vivencio Bringas Dizon

(1974-08-18) 18 Agosto 1974 (52 taong gulang)
Lungsod Quezon, Pilipinas
AsawaEssie Romero
Anak1
Alma MaterPamantasang De La Salle (B.A., BComm.)
Unibersidad ng Reading (M.S.)

Si Vivencio "Vince" Bringas Dizon GCrL (ipinanganak noong Agosto 18, 1974) ay isang Pilipinong ekonomista, konsultor, at tagapayo sa politika na nagsilbi bilang kalihim ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan simula noong 2025 sa pansamantalang kalihim sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos. Dati siyang nagsilbi bilang ika-41 kalihim ng transportasyon sa ilalim ni Pangulong Marcos mula Pebrero hanggang Setyembre 2025. Nagsilbi rin siya bilang tagapayo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangunahing programa at proyektong prayoridad, pangalawang punong tagapagpatupad ng Pambansang Plano ng Aksyon Laban sa COVID-19, at pangulo at CEO ng Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base.

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Dizon ay ipinanganak noong Agosto 18, 1974, sa Lungsod Quezon, kina Agustin Coronel Dizon at Lailani Borbon Bringas, ngunit ginugol niya ang halos lahat ng kanyang pagkabata sa Porac, Pampanga.[1][2]

Nag-aral siya sa Don Bosco Technical College noong hayskul. Mula 1991 hanggang 1996, nag-aral siya sa Pamantasang De La Salle (DLSU) kung saan nakakuha siya ng digri ng Batsilyer sa Sining sa ekonomika at digri ng Batsilyer ng Agham sa Komersiyo sa Pamamahala ng mga Institusyong Pinansiyal. Habang naroon, siya ay isang kinatawan, at noong 1995, naging Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral ng De La Salle University, na tumatakbo sa ilalim ng partidong pampulitika ng Alyansang Tapat sa Lasallista.[1] Siya ay naging konsistenteng miyembro ng Dean's Honors List at ginawaran ng Natatanging Tesis sa Pananalapi.[2]

Mula 1998 hanggang 1999, bilang iskolar ng British Chevening Scholarship, nag-aral si Dizon sa Unibersidad ng Reading para sa kanyang digring masterado. Nagtapos siya noong Disyembre 1999 na may digri ng Master ng Agham sa Aplikadong Pag-aaral sa Kaunlaran.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 "The Bases of Moving Forward" [Ang mga Batayan ng Pagsulong]. Pampanga PEP (sa wikang Ingles). Agosto 2, 2018. Nakuha noong Hulyo 14, 2020.[patay na link]
  2. 1 2 3 "CV" (PDF). Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-01-17. Nakuha noong Nobyembre 16, 2020.