Violet Evergarden
Violet Evergarden Vaioretto Evāgāden | |
ヴァイオレット・エヴァーガーデン | |
---|---|
Dyanra | |
Nobelang magaan | |
Kuwento | Kana Akatsuki |
Guhit | Akiko Takase |
Naglathala | Kyoto Animation |
Imprenta | KA Esuma Bunko |
Takbo | Disyembre 25, 2015 – Marso 28, 2020 |
Bolyum | 4 |
Teleseryeng anime | |
Direktor |
|
Prodyuser |
|
Iskrip | Reiko Yoshida |
Musika | Evan Call |
Estudyo | Kyoto Animation |
Lisensiya | Netflix (karapatan ng pag-iistream) |
Inere sa | Tokyo MX, TVA, ABC, BS11, HTB |
Takbo | Enero 11, 2018 – Abril 5, 2018 |
Bilang | 13 + OVA |
Pelikulang anime | |
Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll | |
Direktor | Haruka Fujita |
Prodyuser |
|
Iskrip | Reiko Yoshida |
Musika | Evan Call |
Estudyo | Kyoto Animation |
Lisensiya | |
Inilabas noong | 6 Setyembre 2019 |
Haba | 91 minuto |
Pelikulang anime | |
Violet Evergarden: The Movie | |
Direktor | Taichi Ishidate |
Prodyuser |
|
Iskrip | Reiko Yoshida |
Musika | Evan Call |
Estudyo | Kyoto Animation |
Lisensiya | |
Inilabas noong | 18 Setyembre 2020 |
Haba | 140 minuto |
Ang Violet Evergarden (Hapones: ヴァイオレット・エヴァーガーデン Hepburn: Vaioretto Evāgāden) ay isang nobelang magaan na isinulat ni Kana Akatsuki at inilarawan ni Akiko Takase. Nanalo ito ng grand prize sa novel category noong 2014 sa ikalimang Kyoto Animation Award, ang pinakaunang nobela na nanalo sa tatlong kategorya (nobela, scenario, at manga). Ang Kyoto Animation ay ipinublish ang unang nobelang magaan sa Disyembro 25, 2015.
Isang 13-episode anime serye na adaptasyon ng Kyoto Animation ay ipinalabas sa Enero hanggang Abril 2018 na may maraming advance screening sa 2017. Ang serye ay iginawad na Best Animation sa 2019 Crunchyroll Anime Awards. Isang original video animation na episode ay ipinalabas sa Hulyo 2018, at isang spin-off ay ipinalabas sa Hapon noong Setyembre 2019. Ang ikalawang anime, Violet Evergarden: The Movie ay ipinalabas sa Setyembre 18, 2020.
Banghay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang istorya ay tungkol sa mga Auto Memory Dolls (Hapones: 自動手記人形 Hepburn: Jidō Shuki Ningyō), mga tao na unang pinagtatrabaho ng isang siyentista na nagngangalang Dr. Orland upang tulungan ang bulag niyang asawang si Mollie sa pagsulat ng kanyang mga nobela. Sa kasalukuyang panahon, ito ay tumutukoy sa industriya ng pagsusulat para sa ibang tao. Sinusunod ang paglalakbay ni Violet Evergarden upang muling pagbabalik sa lipunan pagkatapos ng pagkagamit niya sa giyera bilang isang sandata lamang. Hinahanap niya ang layunin ng kanyang buhay ngayon na hindi na siya sundalo upang unawain ang mga huling salita sa kanyang tagapayo at tagapag-alaga, si Major Gilbert, "Mahal kita."
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Violet Evergarden (ヴァイオレット・エヴァーガーデン Vaioretto Evāgāden)
- Boses ni: Yui Ishikawa (Hapones), Erika Harlacher (Ingles)
- Si Violet ay baguhan sa CH Postal Company, at nagtatrabaho bilang isang Auto Memory Doll—isang tao na sumusulat para sa iba na hindi marunong sumulat o naghahanap ng tulong upang maipahayag ang kanilang damdamin sa liham.
- Gilbert Bougainvillea (ギルベルト・ブーゲンビリア Giruberuto Būgenbiria)
- Boses ni: Daisuke Namikawa (Hapones), Tony Azzolino (Ingles)
- Isang major sa hukbo ng Leidenschaftlich, si Gilbert ay galing sa isang maharlika na pamilya. Kahit na higit na pinahahalagahan niya si Violet kaysa sa anupaman, hindi niya kailanman ipinahayag sa kanya ang kanyang damdamin dahil sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga sundalo. Ang huling salita niya kay Violet—"Mahal kita"—ay nagbigay ng lakas upang magpatuloy sa paging Auto Memory Doll. Ang nagiisang alaala ni Gilbert kay Violet ay isang esmeraldang brotse na nagpapaalala sa kanya ng mga mata ni Gilbert. Dahil gusto niyang mabuhay si Violet bilang isang normal na babae, sa halip ng paging isang kagamitan, sinabi niya kay Claudia na sabihin na nawawala siya sa giyera and inideklarang patay. Gayunman, gumaling siya mula sa mga pinsala at naniniharan sa isang rural na lugar bago nakipagkita ni Violet malipas ang ilang taon.
CH Postal Company
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Claudia Hodgins (クラウディア・ホッジンズ Kuraudia Hojjinzu)
- Boses ni: Takehito Koyasu (Hapones), Kyle McCarley (Ingles)
- Isang dating kumander ng hukbo, si Claudia ay ang presidente ng CH Postal Company. Siya ay mabuting kaibigan ni Gilbert sa oras nila sa hukbo at si Claudia ay sinubukang tumulong kay Violet sa unang hakbang patungo sa kanyang bagong buhay upang mapatawad niya ang kanyang sariling pagkakasala, na nagmula sa pagtrato ni Violet sa hukbo.
- Cattleya Baudelaire (カトレア・ボードレール Katorea Bōdorēru)
- Boses ni: Aya Endō (Hapones), Reba Buhr (Ingles)
- Si Cattleya ay isang Auto Memory Doll na nagtatrabaho kasama ni Violet sa CH Postal Company bilang pinakatanyag na Doll. Malapit na siya kay Hodgins bago pa man itinatag ang kompanya, at sumali nito bilang isa sa mga pinakaunang employado.
- Benedict Blue (ベネディクト・ブルー Benedikuto Burū)
- Boses ni: Koki Uchiyama (Hapones), Ben Pronsky (Ingles)
- Si Benedict ay isang tagahatid ng sulat na nagtatrabaho sa CH Postal Company, Bukod ni Cattleya, siya ay may maayos na relasyon ni Hodgins at naging isa sa pinakaunang employado.
- Erica Brown (エリカ・ブラウン Erika Buraun)
- Boses ni: Minori Chihara (Hapones), Christine Marie Cabanos (Ingles)
- Si Erica ay isang Auto Memory Doll na nagtatrabaho sa CH Postal Company. Pagdating sa interaksyon sa mga kliente, hindi siya gaano kagaling, ngunit siya ay naniniwala sa kanyang trabaho bilang isang Doll, iniuugnay niya ito sa inspirasyong nagtagpuan niya sa pagbabasa nag nobela na isinulat ni Molly Orland, isang bulang na nobelista.
- Iris Cannary (アイリス・カナリー Airisu Kanarī)
- Boses ni: Haruka Tomatsu (Hapones), Cherami Leigh (Ingles)
- Si Iris ay isang Auto Memory Doll na nagsimula ng trabaho sa CH Postal Company pagkatapos tinanggap si Erica. Nagmula sa maliit na magsasakang nayon ng Kazaly, si Iris ay palaging hinanga ang imahe ng isang babaeng nagtatrabaho at mula noon, siya ay naghahangad na maging pinakatanyag na Auto Memory Doll sa Leiden.
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga nobelang magaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Blg. | Petsa ng paglabas ng Hinapon | ISBN ng wikang Hinapon |
---|---|---|
1 | Disyembre 25, 2015 | ISBN 978-4-907064-43-3 |
2 | Disyembre 26, 2016 | ISBN 978-4-907064-44-0 |
Gaiden | Marso 23, 2018 | ISBN 978-4-907064-81-5 |
3 | Marso 27, 2020 | ISBN 978-4-910052-04-5 |
Anime
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat [b] | Direktor | Sumulat | Unang inere | |
---|---|---|---|---|
1 | ""Mahal Kita" at Auto Memory Dolls" "Aishiteru" to Jidō Shuki Ningyō (Hapones: 「愛してる」と自動手記人形) | Taichi Ishidate Haruka Fujita Shinpei Sawa | Reiko Yoshida | 11 Enero 2018 |
2 | "'Di Na Babalik" Modotte Konai (Hapones: 「戻って来ない」) | Haruka Fujita | Reiko Yoshida | 18 Enero 2018 |
3 | "Nawa'y Maging Ikaw ay Isang Huwarang Auto Memory Doll" Anata ga Yoki Jido Shuki Ningyō ni Narimasu Yō ni (Hapones: 「あなたが、良き自動手記人形になりますように」) | Noriyuki Kitanohara | Tatsuhiko Urahata | 25 Enero 2018 |
4 | "Hindi Ka Magiging Isang Gamit Ngunit Isang Tao na Karapat-dapat sa Pangalan na Iyon" Kimi wa Dōgudenaku, Sono Na ga Niau Hito ni Narunda (Hapones: 君は道具でなく、その名が似合う人になるんだ) | Shinpei Sawa | Reiko Yoshida | 1 Pebrero 2018 |
5 | "Sumusulat Ka ng Mga Sulat na Pinagsasama-sama ang Tao?" Hito o Musubu Tegami o Kaku no ka? (Hapones: 人を結ぶ手紙を書くのか?) | Haruka Fujita Shinpei Sawa | Takaaki Suzuki | 8 Pebrero 2018 |
6 | "Saan Man, Sa Ilalim ng Langit ng mga Bituin" Doko ka no Hoshizora no Shita de (Hapones: どこかの星空の下で) | Yoshiji Kigami | Tatsuhiko Urahata | 15 Pebrero 2018 |
7 | "[c]" | Takuya Yamamura | Reiko Yoshida | 22 Pebrero 2018 |
8 | "[c]" | Shinpei Sawa | Reiko Yoshida | 1 Marso 2018 |
9 | "Violet Evergarden" Vaioretto Evāgāden (Hapones: ヴァイオレット・エヴァーガーデン) | Yasuhiro Takemoto | Reiko Yoshida | 8 Marso 2018 |
10 | "Ang Nagmamahal ay Palaging Magbabantay Sa Iyo" Aisuru Hito wa Zutto Mimamotteiru (Hapones: 愛する人はずっと見守っている) | Taichi Ogawa | Reiko Yoshida | 15 Marso 2018 |
11 | "Ayokong Mamatay ang Kahit Sino Pa" Mō, Dare mo Shinasetakunai (Hapones: もう、誰も死なせたくない) | Noriyuki Kitanohara | Tatsuhiko Urahata | 22 Marso 2018 |
12 | "[c]" | Shinpei Sawa Takuya Yamamura | Takaaki Suzuki | 29 Marso 2018 |
13 | "Auto Memory Doll at "Mahal Kita"" Jidō Shuki Ningyō to "Aishiteru" (Hapones: 自動手記人形と「愛してる」) | Taichi Ishidate Haruka Fujita | Reiko Yoshida | 5 Abril 2018 |
OVA (14) | "Sigurado, Balang Araw, Maiintindihan Mo ang Pagmamahal" Kitto "Ai" o Shiru Hi ga Kuru no Darou (Hapones: きっと"愛"を知る日が来るのだろう) | Taichi Ishidate Haruka Fujita Taichi Ogawa | Tatsuhiko Urahata | 4 Hulyo 2018 |
Pagtanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Premyo | Kategorya | Tatanggap | Resulta |
---|---|---|---|---|
2014 | Kyoto Animation Award | Best Novel | Violet Evergarden | Nanalo |
2019 | Crunchyroll Anime Awards | Anime of the Year | Nominado | |
Best Animation | Nanalo | |||
Best Protagonist | Nominado | |||
Best Director | Taichi Ishidate | Nominado | ||
Best Character Design | Akiko Takase | Nominado | ||
Best VA Performance (EN) | Erika Harlacher | Nominado | ||
2020 | Tokyo Anime Awards Festival | Best Art Direction | Mikiko Watanabe | Nanalo |
2021 | Mainichi Film Awards | Best Animation Film | Violet Evergarden: The Movie | Nominado[1] |
Japanese Academy Award | Excellent Animation of the Year | Nanalo[2] | ||
Animation of the Year | Nominado[3] | |||
Tokyo Anime Awards Festival | Grand Prize for Feature Film Animation | Nanalo[4] | ||
Best Art Direction | Mikiko Watanabe | Nanalo[4] | ||
Best Screenplay/Original Story | Reiko Yoshida | Nanalo[4] | ||
15th Seiyu Awards | Best Actress in a Leading Role | Yui Ishikawa | Nanalo[5] | |
3rd Kyoto Digital Amusement Award | Grand Prize | Violet Evergarden: The Movie | Nanalo[6] | |
Japan Media Arts Festival | Excellence Award in Animation | Nanalo[7] | ||
Grand Prize in Animation | Nominado[8] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pineda, Rafael Antonio (2020-12-23). "Demon Slayer Film, Violet Evergarden Get Mainichi Film Award Animation Nods". Anime News Network. Nakuha noong 2020-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "第44回 日本アカデミー賞 最優秀賞一覧". Japan Academy Film Prize for Animation of the Year. Nakuha noong 2021-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pineda, Rafael Antonio (2021-01-26). "Demon Slayer, Violet Evergarden, More Nominated for 44th Japan Academy Film Prizes". Anime News Network. Nakuha noong 2021-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Pineda, Rafael Antonio (Pebrero 12, 2021). "Violet Evergarden: The Movie, Keep Your Hands Off Eizouken! Anime Win TAAF's Top Awards". Anime News Network. Nakuha noong Pebrero 12, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "声優アワードで津田健次郎と石川由依が主演賞獲得、特別栄誉賞は「鬼滅の刃」". Natalie. Nakuha noong Marso 7, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Violet Evergarden: The Movie Wins Kyoto Digital Amusement Award".
- ↑ "Keep Your Hands Off Eizouken!, On-Gaku, March comes in like a lion Win Media Arts Awards". Nakuha noong Abril 20, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Keep Your Hands Off Eizouken!, On-Gaku, March comes in like a lion Win Media Arts Awards". Nakuha noong Abril 20, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2