W.I.T.C.H.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang W.I.T.C.H. ay istorya ng limang dalaga na may kakaibang kapangyarihan. May misyon sila na iligtas ang mundo sa mga masasama. Ang limang dalaga ay sina:

  • Will (tagapag-alaga ng Puso ng Kandrakar)
  • Irma (tagapag-alaga ng elemento ng tubig)
  • Taranee (tagapag-alaga ng elemento ng apoy)
  • Cornelia (tagapag-alaga ng elemento ng lupa)
  • at Hay Lin (tagapag-alaga ng elemento ng hangin)

Ang salitang W.I.T.C.H. ay binubuo sa mga umpisa ng letrang "W" (Will), "I" (Irma), "T" (Taranee), "C" (Cornelia), at "H" (Hay Lin).

Mga karakter[baguhin | baguhin ang batayan]

Guardians

Willelmina/Wilma "Will" Vandom- Pulang buhok, luntiang mata, at siya ay labing apat na taong gulang na. Siya ay isinilang noong Enero 19, kaya siya ay Capricorn. Siya ang pinuno ng W.I.T.C.H. at ang tagapag alaga ng "Heart of Kandrakar", isang kristal na laging hawak ni Will at iyon ang sanhi ng pagakakaroon nila ng mga kapangyarihan. Siya ay unang dumating sa syudad na nangangalang Heatherfield pagkatapos umalis sa talagang tirahan nila, ang Fadden Hills. Medyo siya ay tomboy, pero sensitibo din sa ibang tao. Hindi nagtiwala si Will agad sa mga kaibigan niya, dahil ang mga nauna niyang kaibigan ay sinasabi na sila ay hindi pagkakatiwalaan. Pero nagdaan ang mga panahon, nagtiwala si Will sa kanila dahil natuklasan niya na ang hindi mapagkakatiwalaan ay ang mga nauna niyang kaibigan. Pero ngayon, ang tunay niyang kaibigan ay sina Irma, Taranee, Cornelia at Hay Lin. Magaling siya sa Biology, at mahilig lumangoy. Mahilig din siyang mag-alaga sa mga hayop. Ang kanyang ibang kapangyarihan ay ang pakikipag usap sa mga kuryenteng bagay(katulad ng telebisyon, komputer, etc.), pagkakaintindi sa mga isip at nararamdaman ng mga hayop, mayroon di siyang "teleportation" sa ibang tao at minsa'y nakakaamoy ng mga phenomena sa paligid-ligid. Pwede rin niyang ibahin ang kanyang itsura kaagad. May gusto siya sa isang lalaking ngala'y Matt Olsen, na may gusto rin kay Will.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.