Pumunta sa nilalaman

Wikang Blaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Blaan
Katutubo saPilipinas
RehiyonMindanao
EtnisidadBlaan
Katutubo
272,539 (2020)[1]
Austronesyo
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3Alinman:
bpr – Koronadal Blaan (Tagalagad)
bps – Sarangani Blaan (Tumanao)
Glottologblaa1241

Ang wikang Blaan (o Bilaan[a]) ay isang wika ng mga Austronesyo na sinasalita ng mga Blaan, isang katutubong pangkat sa katimugang Mindanao, Pilipinas. Kasama ito sa sangay ng Timog Mindanao ng mga wikang Pilipino, na malapit na kaugnay ng mga wikang Bilic tulad ng Tboli (sinasalita sa Davao Occidental), Klata, (sinsalita sa Davao del Sur) at Tiruray (sinasalita sa Maguindanao).[4]

Distribusyong pangheograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Blaan ay pangunahing sinasalita sa Timog Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, at Davao Occidental na nasa rehiyong Soccsksargen at Davao.[5] May dalawang pangunahing diyalekto: Koronadal Blaan (Tagalagad)[6] at Sarangani Blaan (Tumanao),[7] na bawat isa ay nauugnay sa mga tiyak na lokal na pamayanan.

Noong 1995, tinatayang may humigit-kumulang 200,000 na nagsasalita ng Blaan batay sa datos ng Comparative Austronesian Dictionary.[8] Sa talang senso ng Philippine Statistics Authority (PSA, o Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas) noong 2020, nakapagtala ng 66,473 na sambahayan na nagsasalita ng Blaan.[1] Gamit ang karaniwang bilang ng tao bawat sambahayan na 4.1,[9] tinatayang may 272,539 na nagsasalita ng Blaan sa buong bansa (PSA, 2020). Mahalaga ring tandaan na ang bilang na ito ay batay sa katamtaman at maaaring bahagyang nag-iiba depende sa aktwal na dami ng mga miyembro ng sambahayan.

Ang mga pangunahing lugar ng pamumuhay ng mga Blaan ay ang Sarangani, partikular sa mga bayan ng Alabel, Malapatan, Glan, Malungon at ilang bahagi ng Maasim, kung saan matatagpuan ang pinakamalalaking konsentrasyon ng populasyon.[10] Sa Timog Cotabato, kabilang ang bayan ng Koronadal, Heneral Santos, at iba pang mga bayan maliban sa Lake Sebu, Surallah, at Norala ang nagsasalita ng Blaan.[11][12] Sa Sultan Kudarat, may umiiral na pamayanan ng Blaan sa mga bayan ng Lutayan at Columbio, habang sa Davao Occidental, matatagpuan ang mga Blaan sa Jose Abad Santos, Malita at Don Marcelino.[13] Ilan ding Blaan ang naninirahan sa Davao del Sur, partikular sa Magsaysay, Matanao, Kiblawan, at Sulop.[14]

Ang wikang Blaan ay may natatanging ponolohiya na nag-iiba ayon sa diyalekto. Binubuo ito ng 6 na patinig at 15 na katinig.[15] Ayon sa pag-aaral nina Ojanola at Tarusan, ang Blaan sa apat na kontekstong sosyolingguwitiko sa Soccsksargen (Sarangani Blaan [SBL], Koronadal Blaan [KBL], Columbio Blaan [CBL], at Tulunan Blaan [TBL]) ay may parehong 15 ponema ng katinig: /b/, /d/, /f/, /g/, /h/, /k/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /r/, /s/, /t/, /w/, at /y/. Umiiral ang lahat ng mga tunog na ito sa bawat konteksto at may katulad na ponolohikal na katangian sa kanilang mga katumbas sa Ingles. Bukod dito, ginagamit ng lahat ng apat na konteksto ang anim na ponema ng patinig: /a/, /e/, /é/, /i/, /o/, at /u/, na binibigkas sa parehong paraan sa karamihan ng mga kaso.

Gayunpaman, may natukoy na pagkakaiba sa paggamit ng /e/ at /é/: sa SBL, KBL, at CBL, ang /e/ ay ipinapahayag bilang /é/ sa TBL (tunog ng schwa /ə/ sa IPA), at ang /é/ naman sa SBL, KBL, at CBL ay ipinapahayag bilang /e/ sa TBL (tunog na /ɛ/ sa IPA). Ang estruktura ng pantig ng Blaan ay karaniwang CV at CVC, at may ilang diyalekto na nagpapahintulot ng mas kumplikadong kombinasyon ng katinig.[15] Ang pagkakaibang ito sa ponolohiya ay nagpapakita ng dinamismo ng wika, habang nananatiling magkakaintindihan ang mga nagsasalita sa rehiyon.

Ang wikang Blaan ay may natatanging sistema ng mga sugnay na pandiwan, kung saan ang diin ng pangungusap ay ipinapakita sa pamamagitan ng mga panlapi sa pandiwa. Ayon sa pag-aaral nina McLachlin at Blackburn (1968), may apat na pangunahing uri ng diin: diin ng simuno, kung saan binibigyang-diin ang simuno; diin ng layon, na nakatuon sa layon; diin ng direksyon, na binibigyang-diin ang direksyon o patutunguhan ng kilos; at diin ng kasangkapan, para sa mga kasangkapan o lugar ng kilos.[16] Ang pagpili ng panlapi ay tumutukoy sa istruktura ng pangungusap at sa posisyon ng binibigyang-diin na elemento.

Karaniwan, binubuo ang isang Blaan na pangungusap ng panaguri at kaugnay nitong mga argumento. Pinaghihiwalay ang pangunahing bahagi ng pangungusap (tulad ng panaguri at binibigyang-diin na elemento) at karagdagang bahagi ng pangungusap (gaya ng oras at lugar).[16] Ang mga saligang anyo ng pandiwa ay nahahati sa iba't ibang klase batay sa morpolohiya at sa uri ng panlapi na maaaring ilakip sa kanila, na nakakaapekto sa pagbuo ng mga sugnay na pandiwa at sa pagpapakita ng diin. Ang sistemang ito ay nagpapakita ng kaayusan ng wika at ang kahalagahan ng panlapi sa pagpapahayag ng relasyon ng simuno, layon, at iba pang bahagi ng pangungusap.

Gumagamit ang Blaan ng ayusan ng salita upang ipakita ang tematikong papel ng mga nominal na elemento sa pangungusap.[16]

Kamfe

AV.huli

kuku

pusa

ungeh.

daga

Kamfe kuku ungeh.

AV.huli pusa daga

'Hinuhuli ng pusa ang daga.'

Katulad ng ibang wikang Austronesyo na uri ng Pilipino, gumagamit ang Blaan ng morpolohiyang pandiwa upang ipakita ang tinig o pokus. Narito ang ilang halimbawa ng uri ng pokus sa Blaan:

Diin ng ahente (-m-)

Magin

AV.samahan

nga

bata

do.

ako

Magin nga do.

AV.samahan bata ako

'Sinasamahan ako ng bata.'

Diin ng layon (-n-)

Nebe

PV.dala

libun

dalagita

ale.

sila

Nebe libun ale.

PV.dala dalagita sila

'Dinadala sila ng dalagita.'

Mga halimbawang salita[17]
Tagalog Blaan
manok anuk
bulaklak bulek
kabayo kura
mais agul
karayom dalum
bakol been
walis fune
daga unge
salapi filak
kambing uhe
gunting gunting
banig igem
alapaap labun
isda nalaf
mata mata
pambayo sung
dahon doon
buto tulan
gasera salo
ahas ulad
uwak wak
paa bli
ina ye
ama ma
  1. Maaari din baybayin bilang B'laan o Bla'an subalit tinuturing ang mga salitang ito (kabilang ang Bilaan) na nakakasakit at katumabas ng diskriminasyon at lubos na pagwawalang-bahala sa kanilang kultura.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Tagalog is the Most Widely Spoken Language at Home (2020 Census of Population and Housing)". Tagalog is the Most Widely Spoken Language at Home (2020 Census of Population and Housing) (sa wikang Ingles). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 7 Marso 2023.
  2. Rebollido, Rommel (2023-05-03). "Drop that 'offensive' apostrophe in Blaan, Tboli – IP advocacy group". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  3. Sarmiento, Bong S. (2024-11-15). "Blaan folk on tribe's name: Just drop apostrophe". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  4. Dumoran, Honeylet E. (Abril 14, 2023). "Bilic: Some New Directions for Inquiry - Philippine Indigenous Languages Lecture Series (PILLS)" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 8, 2025.
  5. "Blaan language and alphabet". www.omniglot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  6. "Blaan, Koronadal Language (BPR) – L1 & L2 Speakers, Status, Map, Endangered Level & Official Use | Ethnologue Free". Ethnologue (Free All) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  7. "Blaan, Sarangani Language (BPS) – L1 & L2 Speakers, Status, Map, Endangered Level & Official Use | Ethnologue Free". Ethnologue (Free All) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  8. Tryon, Darrell T. (2011-06-01). Comparative Austronesian Dictionary: An Introduction to Austronesian Studies (sa wikang Ingles). Walter de Gruyter. p. 369. ISBN 978-3-11-088401-2.
  9. "Household Population, Number of Households, and Average Household Size of the Philippines (2020 Census of Population and Housing)". Household Population, Number of Households, and Average Household Size of the Philippines (2020 Census of Population and Housing) (sa wikang Ingles). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 23 Marso 2022. Nakuha noong 13 Mar 2023.
  10. "Indigenous Peoples Plan" (PDF). www.napocor.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  11. Badie, Jun Yang (2020). "Blaan sa Pilipinong Sosyolohiya: Ang Nawáh sa mga Danas sa Facebook Bilang Pook ng Talastasan, Ugnayan, at Alaala". Malay. 32 (2). De La Salle University.
  12. "B'laan, Koronadal". www.ethnicgroupsphilippines.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  13. Glenford C. Franca, Leonel P. Lumogdang (2022-06-21). "PROFILING ON CULTURAL PRESERVATION OF THE BLAAN TRIBE OF KIBLAWAN, DAVAO DEL SUR, PHILIPPINES". EPRA International Journal of Agriculture and Rural Economic Research (ARER) (sa wikang Ingles). 10 (6). ISSN 2321-7847.
  14. "The Blaans". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  15. 15.0 15.1 Ojanola, Raleigh; Tarusan, Mary Ann E. (2023). "Linguistic Variations of Blaan in Soccsksargen Region: A Variationist Sociolinguistic Study". Technium Social Sciences Journal (sa wikang Ingles). 45 (1). doi:10.47577/tssj.v45i1.9163.
  16. 16.0 16.1 16.2 McLachlin, Betty; Blackburn, Barbara (1968). "Verbal clauses of Sarangani Bilaan" (PDF). asj.upd.edu.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-08.
  17. "ABKD" (PDF) (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng sil.org.