Hokkien Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Hokkien (Pilipino))
Jump to navigation Jump to search
Hokkien Pilipino
Fookien; Fukien
Lân-lâng-oé; 咱儂話
Sinasalitang katutubo saPilipinas, Kanada, Tsina, Taiwan, Estados Unidos
RehiyonKalakhang Manila, Angeles, Cebu, Bacolod, Vigan, Naga, Ilagan, Lungsod ng Davao, Iloilo, Zamboanga, at iba pang mga komunidad sa Pilipinas na mayroong mga menoridad na Tsino.
Mga katutubong
tagapagsalita
(590,000 cited 1982)[1]
(98.7% ng lahat ng mga may lahing Tsino sa Pilipinas)
Pamilyang wika
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3

Ang Hokkien Pilipino (Tsino: 咱儂話; Pe̍h-ōe-jī: Lán-lâng-ōe; ang aming pangmadlang wika), na payak na tinatawag Hokkien (Lan Lang o Lan Nang) sa Pilipinas, ay isang wikaing Hokkien ng Min Nan na ginagamit ng halos 98.7% ng mga etnikong Tsino sa Pilipinas. Ang Hokaglish ay isang wikang “kontakto oral” (o sa Ingles, oral contact). Pinaghahalo nito ang Hokkien Pilipino, Tagalog at Ingles. May pagkakatulad ang Hokaglish sa Taglish (halo-halong Tagalog at Ingles), ang pang-araw-araw na mesolektong rehistro ng wikang Filipino sa Kalakhang Maynila at mga paligid.

Terminolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ginagamit ang katagang Philippine Hokkien kapag binibigyang-kaibahan ang uri ng Hokkien sa Pilipinas mula sa ibang Hokkien na ginagamit sa Taiwan, Tsina at iba pang mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Mayroong iba't ibang katawagan ang ginagamit dito ng tagapagsalita nito:

  • 咱人話 (Hokkien: lán-lâng-ōe [lán-lâng-uē]; Mandarin: zánrénhuà): "Ang aming wikang pangmadla" ang literal na kahulugan ng katagang ito; madalas itong tumutukoy sa Hokkien sa Pilipinas.
  • 閩南語 (Hokkien: bân-lâm-gí; Mandarin: mǐnnányǔ): "Wikang Katimugang Min" ang literal na kahulugan; tumutukoy ito sa baryanteng ginagamit sa Quanzhou, Zhangzhou, Xiamen at Taiwan.

Minsan ay tinatawag din itong Fookien[2] o Fukien sa bansa.

Mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

Paunang pahina ng Doctrina Christiana en letra y lengua china (1593) ng Espanyol at Dominikong si Fray Juan Cobo. Nakasulat ito sa Tsino Klásiko sa pormang diyalogo na batay sa Hokkien na ginamit sa Pilipinas noong panahong iyon.
Pang-araw-araw na mga kataga
  • Magandang umaga - hó-chá-khí [hó-tsá-khí] (好早起)
  • Magandang hapon - hó-ē-po͘ [hó-ē-poo] (好下晡)
  • Magandang gabi - hó-àm-mî (好暗暝)
  • Kumusta ka? - Dí-hó--bô? (你好無?)
  • Mabuti naman, salamat. - hó, to-siā. (好,多謝。)
  • At ikaw? - Dí-nì? (你呢?)
  • Walang anuman - m-bián kheh-khì (毋免客氣)
  • Paumanhin - tùi-put-chū [tùi-put-tsū] (對不住)
  • "Congratulations!" - Kiong-hí! (恭喜!)
  • Ang aking apelyido ay Tsua/Tsai/Tsai/Kai. - Góa sìⁿ Chhòa. [Gúa sìnn Tshuà.] (我姓蔡。)
  • Hindi ko alam - Goá m̄ chai-iáⁿ. [Gúa m̄ tsai-iann.] (我毋知影。)
  • Marunong ka bang magsalita ng Hokkien? - Dí ē-hiáu kóng Lán-lâng-ōe bâ? [Dí ē-hiáu kóng Lán-lâng-uē bâ?] (你會曉講咱儂話嗎?)
Mga pangkaraniwang panghalip
  • ito - che [tse] (這, 即), chit-ê [tsit-ê] (這個, 即個)
  • iyan/iyon - he (許, 彼), hit-ê (彼個)
  • dito/dine - chia [tsia] (者), hia/hiâ (遮, 遐), chit-tau [tsit-tau] (這兜)
  • doon - hia (許, 遐), hit-tau (彼兜)
  • ano - siáⁿ-mih [siánn-mih] (啥物), sīm-mi̍h (甚物), sīm-mô͘ [sīm-môo](甚麼)
  • kailan - tī-sî (底時), kī-sî (幾時), tang-sî (當時), sīm-mi̍h-sî-chūn [sīm-mi̍h-sî-tsūn] (甚麼時陣)
  • saan/nasaan - tó-lo̍h (佗落, 倒落), tó-ūi [tó-uī] (倒位, 佗位, 叨位)
  • sino - siáⁿ-lâng [siánn-lâng] (啥人) or siáⁿ-nga̍h [siánn-nga̍h] (啥nga̍h] or siáⁿ [siánn] (啥)
  • bakit - ūi-siáⁿ-mi̍h [ūi-siánn-mi̍h] (為啥物), ka-nà (ka哪)
  • paano - án-chóaⁿ [án-tsuánn] (按怎), chóaⁿ [tsuánn] (怎)

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Chinese, Min Nan sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. Tsai, Hui-Ming (2017). 菲律賓咱人話(Lán-lâng-uē)研究 [A Study of Philippine Hokkien Language] (PhD) (sa Tsino). Unibersidad Nasyonal Normal de Taiwan.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.