Ang Sinaunang Griyego ang anyo ng wikang Griyego na ginamit sa mga panahong sumasaklaw mula ca. ika-9 na siglo BCE hanggang ika-6 na siglo BCE na kilala bilang Arkaiko), ca. ika-5 siglo BCE hanggang ika-4 siglo BCE(Klasiko) at ca. ika-3 siglo BCE hanggang ika-6 siglo CE(Helenistiko) sa Sinaunang Gresya at sa sinaunang mundo. Ito ay naunahan noong ika-2 milenyo BCE ng wikang Griyegong Miseneano. Ang wika ng yugtong Helenistiko ay tinatawag na Griyegong Koine o Griyego ng Bibliya samantalang ang wika mula sa huling panahon at pasulong nito ay hindi nagpapakita ng malalaking mga pagkakaiba mula sa Griyegong Mediebal. Ang Griyegong Koine ay itinuturing na isang hiwalay na yugtong historikal bagaman sa mas maagang anyo nito, ito ay malapit na katulad ng Klasikong Griyego. Bago ang panahong Koine, ang Griyego ng klasiko at mga mas maagang panahon ay kinabibilangan ng ilang mga pang-rehiyong dialektong sinaunang Griyego. Ang Sinaunang Griyego ang wika ni Homer at ng mga klasikong atenianong historyan, mandudula, at mga pilosopo. Ito ay nag-ambag ng maraming mga salita sa bokabularyo ng wikang Ingles at naging isang pamantayang paksa ng pag-aaral sa mga institusyong pang-edukasyon sa kanluraning daigdig simula Renasimiyento.