Pumunta sa nilalaman

Wiki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt.

Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang "mabilis" o "magmadali".[1]

Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki.

Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan.

Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang "Wiki Wiki" ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository.

Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa "What I know is" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman.

Ang tanda ng Wiki Wiki sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu

Mahahalagang bahagi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pamamagitan ng WikiWikiWeb, maaring samasamang ibuo ng maraming tao ang isang dokumento sa pamamagitan ng paggamit ng isang simpleng wikang markup, gamit ang kanilang web browser. Sa kadahilanang hindi lahat ng wiki ay nakabatay sa web, ang salitang "wiki" ang inam na gamitin pangtukoy sa ganitong klaseng dokumento. Ang isang pahina sa wiki ay tinatawag na "pahinang wiki" o wiki page. Ang isang buong koleksiyon ng mga pahinang wiki na nakakawi sa isa't isa ay tinatawag na "ang wiki" o the wiki.

Ang ibig-sabihin ng "wiki wiki" ay "mabilis" sa wikang Hawayano, at ang bilis sa pagbuo at pagbago ng mga pahina ang naging isang kinikilalang aspeto ng teknolohiyang wiki. Karaniwan sa mga wiki ang hindi sinusuri ang mga pagbabago at karamihan sa mga ito ay bukas sa publiko o kaya sa mga taong pinapayagan na makapasok sa server. Sa katunayan, kadalasang hindi kinakailangan ang mag-rehistro at mag-bukas ng user account upang sumama sa isang wiki.

Mga pahina at pagbabago

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa tradisyonal na wiki, may dalawang porma ang mga pahina: ang pormang ipinakikita (kadalasang nasa web browser sa pamamagitan ng HTML) at ang porma kapag binabago (isang simpleng wikang markup, kung saan ang istilo at palaugnayan ay iba sa bawat wiki).

Ang dahilan sa likod nitong disenyo ay sa komplikadong at mabagal na paraan ng pagsusulat sa HTML. At nakikitang benepisyal na sa pamamagitan ng wiki, maaring hindi payagan ang paggamit ng JavaScript at Cascading Style Sheets, at maipagtitibay din ang pagkapareho ng ayos at porma ng mga dokumento.

Wiki syntax (MediaWiki) HTML Rendered output
"''Doktor''? Wala ng ibang titulo? Isang ''iskolar''? At nakatataas siya sa kapangyarihang sibil?"

"Aba, siyempre," ang pasangayong sagot ni Hardin. "Tayong lahat ay iskolar kahit paano. Kung ating titingnan, hindi tayo isang mundo na may pundasyon sa agham – sa ilalim ng Emperador."

<p>

&quot;<em>Doktor</em>? Wala ng ibang titulo? Isang <em>iskolar</em>? At nakatataas siya sa kapangyarihang sibil?&quot;
</p>
<p>
&quot;Aba, siyempre,&quot; ang pasangayong sagot ni Hardin. &quot;Tayong lahat ay iskolar kahit paano. Kung ating titingnan, hindi tayo isang mundo na may pundasyon sa agham&mdash;sa ilalim ng Emperador.&quot;
</p>

"Doktor? Wala ng ibang titulo? Isang iskolar? At nakatataas siya sa kapangyarihang sibil?"

"Aba, siyempre," ang pasangayong sagot ni Hardin. "Tayong lahat ay iskolar kahit paano. Kung ating titingnan, hindi tayo isang mundo na may pundasyon sa agham – sa ilalim ng Emperador."

(Mga pagbanggit sa aklat na Foundation ni Isaac Asimov na isinalin sa Tagalog)

Ang isang pahinang wiki ay may dalawang porma, ang palaugnayan ng wiki na ginagamit ng wiki engine at ang HTML-rendered na porma nito na ipinakikita sa web browser ng user.

Ang ibang kalalabas na wiki engine ay nagbibigay ng "WYSIWYG" na pagbabago, at nangangailangan ng ActiveX control o plugin na may kakayahang isalin ang mga graphical na instruksiyon tulad ng "bold" at "italics" bilang mga HTML tags na kayang patagong isusumite sa server. Sa lagay na ito, ang mga user na walang plugin ay may kakayahan lamang na palitan ang pahina sa pamamagitan ng HTML source ng pahina.

Ang mga instruksiyong sa porma na ginagamit ng isang wiki ay depende sa wiki engine na ginagamit nito. Ang mga simpleng wiki ay gumagamit lamang ng mga simpleng porma para sa mga teksto. Ang mga mas kumplikadong wiki ay sumusuporta sa mga talaan, larawan, pormula, at mga elementong interaktibo tulad ng pa-boto at mga laro. Dahil dito, may mga sumisikap na gumawa ng Wiki Markup Standard.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga wiki ay tunay na paraan sa paggawa ng hypertext na hindi linyar ang istruktura ng nabigasyon. Ang bawat pahina ay kadalasang naglalaman ng maraming mga kawi patungo sa ibang pahina; ang nabigasayong hierarchial ay kadalasang ginagamit sa malalaking mga wiki, ngunit ang paggamit ng mga ito ay hindi kinakailangan. Ang mga kawi ay ginagawa sa pamamagitan ng isang palaugnayan na tinatawag na link pattern.

Sa simula, karamihan ng mga wiki ay gumagamit ng CamelCase bilang link pattern. Ang CamelCase ay ang paggamit ng malalaking titik sa mga salita at pagtanggal ng espasyo sa pagitan ng bawat salita (ang salitang "CamelCase" ay isang halimbawa ng CamelCase). Pinadadali nga ng CamelCase ang paggawa ng mga links pero ang porma nito ay hindi sumusunod sa tanggap na pagbaybay. Makikilala ang mga CamelCase na wiki dahil sa mga links tulad ng "TableOfContents" at "BeginnerQuestions".

Maraming kritiko ang CamelCase, at ang paglipat ng Wikipedia na wiki sa "libreng mga kawi"—kung saan ang mga salita an pinagigitna sa [[dobleng kuadradong braket]]—ang nagpaenganyo sa mga bumubuo ng wiki na maghanap ng ibang alternatibong solusyon. Maraming wiki engines ang gumagamit ng isang bracket, curly brackets, underscore, slashes at iba pang titik bilang link pattern. Ang mga links na mula sa isang wiki patungo sa ibang wiki ay nagagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na link pattern na kung tawagin ay InterWiki.

Ang paggawa ng bagong pahina sa isang wiki a karaniwang nagagawa lamang sa pamamagitan ng pagkawi dito. Kung ang isang kawi ay walang pinatutunguhan, ito ay tinatawag bilang "broken link" o "putol na kawi". Ang pagsunod sa kawi na putol ay magbubukas ng editor window, na kung saan mabubuo ng tagagamit ang bagong pahina. Ang mekanismong ito ay ang nagsisigurado na ang mga "orphan pages" o mga pahinang hindi dinudutungan ng ibang pahina ay bihirang mabubuo, at masisiguradong malaking pursiyento ng mga pahina ang mananatiling nakadugtong sa isa't isa.

Pangkaraniwan na paniniwala sa wiki ang pagpapadali ng pag-ayos ng mga pagkakamali kumpara sa pagpapahirap na hindi makagawa ng pagkakamali. Kahit na bukas sa kahit sino man ang wiki, nagbibigay ito ng proseso kung saan masusuri ang katamaan ng mga kadadagdag na pagbabago sa nilalaman ng mga pahina.

Ang pinakasikat sa mga wiki ay ang tinatawag na "Recent changes" o "Mga huling pagbabago" na pahina. Ito'y listahan ng mga pahinang kababago lamang sa loob ng ilang oras o araw. Ang ibang wiki ay may kakayahang isalang ang tala upang huwag isama ang mga pagbabagong minarka bilang "minor" o maliit na pagbabago o ginawa ng mga "automatic importing scripts" (bots).

Mula sa change log ng karamihan ng mga wiki, may dalawang tungkulin na maaring gamitin: ang revision history, na kung saan makikita ang lumang bersyon ng pahina, at ang diff, kung saan ipapakita ang mga naging pagbabago sa bawat bersyon ng pahina. Maaring bukas ang lumang bersyon ng pahina at itala upang maibalik sa naunang bersyon ang pahina. Ang diff ay magagamit upang makatulong sa pagpasya kung kinakailangan ibalik ang pahina sa isang mas naunang bersyon: Ang isang regular na tagagamit ng wiki ay may kakayahang tingnan ang mga pagbabago sa pahina at, kung ang pagbabago ay hindi katanggaptanggap, ibalik ang pahina sa naunang bersyon. Ang prosesong ito ay maaring pinadali, depende sa wiki software na ginagamit.

Ipinapakita ng ulat ng diff ang pagbabago ng dalawang bersyon ng pahina.

Kung hindi napansin ang isang pagbabago na hindi katanggaptanggap sa pahinang "Mga huling binago", ang ibang wiki ay nagbibigay ng kakayahan sa mga tagagamit ng karagdagang na kuntrol sa mga nilalaman ng wiki. Ang Wikipedia ang kaunaunahang wiki na nagpakilala sa "watchlists" o "mga babantayan", isang klaseng pangloob na pag-bookmark na ginagamit upang bumuo ng listahang na tulad ng recent changes ng mga partikular na pahinang ipinili ng user bantayan.

Kung kinakailangan, karamihan ng wiki ay makakayahang protektahan ng mga pahina upang hindi ito mapalitan. Ang mga pahinang protektado sa Wikipedia ay maari lamang baguhin ng mga administrador, na may kakayahang din tanggalin ang proteksiyon. Ang mag proprotekta ng mga pahina ay tinuturing na labag sa konsepto at pilosopiya ng WikiWiki kung kaya ito'y iniiwasan.

Pagkontrol ng mga user

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang ang karamihan ng mga wiki ay iniiwasan na gawing kailangan ang proseso ng pagrehistro, halos lahat ng wiki engine ay nagbibigay ng paraan upang bawalin ang mga tagagamit na parating lumalabag sa patakaran ng kumunidad na wiki. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-bawal sa isang tagagamit na magbago ng pahina. Ito'y nagagawa sa pamamagitan ng pagharang sa kanilang IP address. Ngunit karamihan ng mga Internet Service Provider ay nagbibigay ng panibagong IP address sa bawat log-in, kung kaya't ang paraang ng pagbawal sa IP address ay madaling malusutan.

Para sa mga maliliit na wiki ang pangkaraniwang depensa laban sa mga paulit-ulit na paninira ay ang pagpabaya na sirain ang mga pahina at mabilisang ayusin ito. Itong paraan na ito ay kadalasang hindi maaring magawa sa malalaking wiki na kung saan kinakailangan ang mabilis na aksiyon.

Bilang paglutas sa panahon ng mahigpit na pangangailangan, ang ibang wiki ay may kakayahang ilagay ang kanilang database sa read-only mode o gawing pagbabasa lamang, o ang mga user na naka rehistro lamang ang maaring magbago ng mga pahina.

Nagbibigay ang karamihan sa mga wiki ng paghahanap ng titulo, kung hindi man paghahanap ng buong teksto. Depende ang pagtaas ng antas ng paghahanap sa kung gumagamit ang wiki engine ng talaan o hindi; kinakailangan ang naka-ayos na talaan sa mabilisang paghahanap ng mga malalaking wiki. Sa Wikipedia, pinapahintulot ng tinatawag na buton na "Go" o "Puntahan" ang mga tagapagbasa na diretsong tingnan ang isang pahina na tugma sa ipinasok na tekstong hinanap. Upang mahanap ang mga ilang wiki sa isang hanapan, nilikha ang MetaWiki search engine para dito.

Mga wiki engines

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil simple ang konsepto ng isang wiki, maraming wiki ang nabuo, mula sa isang napaka-simpleng "hack" na naglalaman ng mga simple at pundamental na katungkulan hanggang sa mga komplikadong sistema ng pangangasiwa ng nilalaman. Ang karamihan ng mga wiki ay malayang software, ang mga malalaking proyekto na tulad ng TWiki at ang Wikipedia na software ay binuo sa tulong ng maraming tao. Maraming mga wiki ang tinatawag din na modular at gumagamit ng mga API upang magamit ang mga programmer at developer ang tungkulin nito na hindi kinakailangan malaman ang buong codebase ng wiki.

Hindi madaling masabi kung alin ang pinakatanyag ng wiki, pero ang nangunguna siguro ay ang mga wiki na payak tulad ng UseMod wiki, TWiki, MoinMoin at ang Wikipedia na software. Tingnan ang Wiki software para sa listahan ng mga wiki engines.

Ang wiki software ay nagmula sa design pattern sa pagsusulat ng mga pattern language. Ang Portland Pattern Repository ay ang pinakaunang wiki, na binuo ni Ward Cunningham sa taong 1995 [1]. Si Cunningham ang nag-imbento at nagbigay ng ngalang sa konseptong wiki, at ang unang bumuo ng isang wiki engine. May mga taong nagsasabi na ang orihinal na wiki lamang ang nararapat na tawaging Wiki (malaking letrang "W") o ang WikiWikiWeb. Ang wiki ni Ward ay nananatiling isa sa mga pinakakilalang na Wiki na sayt.

Sa huling taon ng ika-20 siglo, dumarami ang kumikilala sa potensiyal ng wiki bilang isang teknolohiya na magagamit sa pag-buo ng mga knowledge base (pinagkukunang kaalaman) na pribado at pang-publiko. Ang potensiyal na ito ay ang dahilan kung kaya't ang mga nagtatag ng ensiklopediyang Nupedia, Jimbo Wales at Larry Singer, na gamitin ang teknolohiyang ito upang bumuo ng isang ensiklopediyang elektroniko—Ang "Wikipedia" ay inilunsad noong Enero 2001. Ito ay binatay sa UseMod na software, at pinalitan ng sariling codebase na malayang software na ngayon ay ginagamit ng iba't ibang mga wiki.

Sa kasalukuyan, ang Ingles na Wikipedia ay ang pinakamalaking wiki sa daigdig, at ang mga Wikipedia na nasa ibang wika ay ang bumubuo ng ibang bahagi nito. Ang ikalawang pinakamalaking wiki ay ang Susning.nu, isang knowledge base na nasa wiking Swedish, at gumagamit ng UseMod na software. Ang desisyon ng Wikipedia na hindi paggamit ng CamelCase ay ang bagay na tinitingnan bilang katunayan sa paglaki ng Wikipedia.

Wiki mga paglibot ng bus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong mga birtwal na "mga paglibot ng bus" (bus tours) na magdadala sa mga bisita sa iba't ibang wiki na websites. Ito'y magdadala sa isa sa mga pahina ng mga kalahok na wiki na tinatawag na "TourBusStop", na nagbibigay ng kawi patungo sa susunod na hintuan ng bus. Ito ay parang isang web ring. Ang bawat hintuan ng bus ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa wiki at maaring libutin ang wiki na iyon ("getting of the bus" o "pagbaba sa bus"), o maari din na tumungo sa susunod na wiki.

Mga kumunidad na wiki

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasalukuyan ang pinakamalaking wiki sa wikang Ingles ay ang Wikipedia.

Tingnan din Wikipedia:Mga sayt na ginagamit ang MediaWiki, PHP Wiki, software na panlipunan, Bliki

Sistemang parang wiki

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mp3 indir Naka-arkibo 2008-05-22 sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Listahan ng mga sanggunian na nasa wikang Ingles o ibang wika (walang Tagalog).

  • Aronsson, Lars (2002). Operation of a Large Scale, General Purpose Wiki Website: Experience from susning.nu's first nine months in service. Paper presented at the 6th International ICCC/IFIP Conference on Electronic Publishing, November 6 - 8, 2002, Karlovy Vary, Czech Republic. Available at: http://aronsson.se/wikipaper.html Naka-arkibo 2005-02-04 sa Wayback Machine.
  • Benkler, Yochai (2002). Coase's penguin, or, Linux and The Nature of the Firm. The Yale Law Jounal. v.112, n.3, pp. 369–446.
  • Cunningham, Ward and Leuf, Bo (2001): The Wiki Way. Quick Collaboration on the Web. Addison-Wesley, ISBN 0-201-71499-X.
  • Delacroix, Jérôme (2005): Les wikis, espaces de l'intelligence collective M2 Editions, Paris, ISBN 2-9520514-4-5. Web site: http://www.leswikis.com
  • Jansson, Kurt (2002): "Wikipedia. Die Freie Enzyklopädie." Lecture at the 19th Chaos Communications Congress (19C3), December 27, Berlin. Online description: http://de.wikipedia.org/wiki/Benutzer:Kurt_Jansson/Vortrag_auf_dem_19C3
  • Möller, Erik (2003). Loud and clear: How Internet media can work. Presentation at Open Cultures conference, June 5 - 6, Vienna.Available at: http://opencultures.t0.or.at/oc/participants/moeller
  • Möller, Erik (2003). Tanz der Gehirne. Telepolis, May 9-30. Four parts: "Das Wiki-Prinzip", "Alle gegen Brockhaus", "Diderots Traumtagebuch", "Diesen Artikel bearbeiten". Summary and table of contents: http://www.heise.de/newsticker/data/fr-30.05.03-000/
  • Remy, Melanie (2002). Wikipedia: The Free Encyclopedia. Online Information Review. v.26, n.6, pp. 434.