Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari

- Ang pelikulang Amerikanong Barbie ay naging unang pelikula ng isang solong babaeng direktor (Greta Gerwig na nakalarawan) na lumagpas sa $1 bilyong kita sa takilya.
- Ginawad ng Tanggapan ng Ari-ariang Intelektuwal ng Pilipinas ang pagpapanibago ng tatak-pangkalakal na Eat Bulaga! sa TAPE Inc. sa kabila ng kasong sinampa ng dati nitong mga punong-abala na sina Tito, Vic Sotto at Joey na pagkansela ng tatak-pangkalakal ng TAPE Inc.
- Mga pinagtatalunang teritoryo sa Timog Dagat Tsina: Inakusahan ng Tanod Baybayin ng Pilipinas ang Tanod Baybayin ng Tsina sa pagbomba ng mga kanyong tubig sa mga sasakyang pandagat nito malapit sa Kulumpol ng Ayungin sa Kapuluang Spratly kung saan nakahimpil ang mga tauhan ng militar ng Pilipinas.
- Matagumpay na nakapasok ang Chandrayaan-3 ng Indya sa orbita ng Buwan na nauna sa ikalawang pagsubok ng bansa sa paglapag sa Buwan sa pagitan ng Agosto 23 at 24.
- Pinabatid ng NASCAR na sinuspinde ng walang taning ang tagapagmaneho na si Noah Gragson pagkatapos gustuhin ang isang meme na kinukutya ang pagkamatay ni George Floyd.
Nais mong magdagdag ng balita para sa araw ng Miyerkules, ika-27 ng Setyembre, 2023? • Basahin muna at alamin ang mga panuntunan.
|
|