Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Pebrero 5
Itsura
Nangako ang Kalihim-panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa na si Ban Ki-moon, sa pagbisita nito sa Islambad, na gagawa ng komisyon para mag-imbestiga sa pagpatay sa dating Punong ministro ng Pakistan na si Benazir Bhutto. (PDI)
Umabot na sa 3,300 katao ang namatay sa Zimbabwe dahil sa kolera ayon sa ulat ng opisyal ng Organisasyong Pandaigdig para sa Kalusugan. (PhilStar)
Bansang Hapon magpapadala ng dalawang sasakyang pangwasak sa karagatan ng Somalia para sa pagbabantay sa mga sasakyang pandagat nito mula sa mga pirata. (PhilStar)