Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 29

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alitang armado at mga pag-atake
  • Nagpadala ang bansang Rusya ng dalawang bapor na pandigma sa Silangang Dagat Mediteraneo. (Reuters)
  • Sinabi ng bansang Libano at Hordan na di magagamit ang kanilang espasyaong panghimpapawid para sa pakikialam sa kilos ng militar sa Sirya. (Xinhua)
  • Iniulat sa pahaygan sa Kuwait na nakikipag-ugnayan ang mga lider ng Golpo sa Israel, at pinapayuhan ang Israel na magpigil kung sakaling umatake ang mga kanluraning bansa sa Sirya. (Israel National News)
  • Magpapadala ng anim na Typhoon fighter jets sa Tsipre upang bantayan ang potensiyal na paghihiganti ng rehimeng Assad kung sakaling magkaroon ng pag-atakeng panghimpapawid sa Sirya. (The Telegraph)
  • Sinabi ni Pangulong Bashar al-Assad na handang ipangtanggol ng Sirya ang bansa sa anumang pag-atake. (Indian Express), (Xinhua)