Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Enero 15

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Sa kabila ng usapin sa data breach o pagkawala ng datos sa kagawaran, pinirmahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na si Teddy Locsin ang isang Pangkagawarang Kautusan na tinatanggal ang sertipiko ng kapanganakan bilang isa sa mga kinakailanganang dokumento para sa pagpapanibago o renewal ng pasaporte ng mga Pilipino. Bagaman, mayroon pa rin ilang kondisyon na kailangan pa rin ang nasabing sertipiko sa pagpapanibago. (GMA News)
  • May mga naiulat na mga pag-sabog at pagputok ng baril pagkatapos sinalakay ng apat na armadong lalaki ang otel ng Dusit sa Nairobi, Kenya. Ang militanteng pangkat na nakabase sa Somalia na Al-Shabaab ang umako sa responsibilidad. (BBC)
  • Prayagraj Kumbh 2019
    • Nagsimula ang pinakamalaking pagtitipon ng mga tao sa mundo, ang pista ng Kumbh Mela, sa Prayagraj (dating kilala bilang Allahabad), India. Higit sa 120 milyong deboto sa Hindu, pati na rin turista, ang inaasahang dadalo. (The Guardian)