Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Enero 6
Itsura
- Armadong mga labanan at atake
- Mga protesta sa halalan ng Estados Unidos noong 2020–2021
- Pagsalakay sa Kapitlyo ng Estados Unidos ng 2021
- Sinalakay ng libo-libong mga manggugulo na maka-Trump, na armado ang ilan, ang Kapitolyo ng Estados Unidos, na nagdulot sa paglikas ng mga naroon sa loob. Idineklara ng alkalde ng Washington, D.C. na si Muriel Bowser ang isang panggabing curfew sa buong lungsod. May mga pagputok, at hindi bababa sa anim na tao ang nasugatan. Isang babaeng tagasuporta ni Trump ang namatay dulot ng mga sugat sa pagkabaril sa kanya, sang-ayon sa pulis. Maraming kasapi ng Kongreso na tinawag ito bilang isang tangka ng kudeta. Ipinakalat ang FBI, pulis at Pambansang Guwardiya mula sa Maryland, Virginia at sa D.C. mismo upang pigilan ang kaguluhan. Ginamit din ang mga bombang usok at wisikang paminta. Naiulat ang maraming pinaghihinalaan bombang tubo, kabilang sa punong-himpilan ng Partido Republikano. (Yahoo! News) (The Washington Post) (CNN) (WREX-TV)
- Puwersahang napasok ng mga nagproprotestang maka-Trump ang kapulungan ng Senado ng Estados Unidos at ang tanggapan ng Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan na si Nancy Pelosi. (ABC News) (WIVB-TV)
- Pagsalakay sa Kapitlyo ng Estados Unidos ng 2021
- Batas at krimen
- Pinalaya ng piskal ng Lungsod ng Makati ang tatlong suspek na naunang inaresto kaugnay sa kontrobersyal na pagkamatay ni Christine Dacera, isang tagapasilbi sa eroplano (flight attendant). (CNN Philippines)
- Politika at halalan
- Halalan sa Estados Unidos ng 2020
- Mga halalan sa Senado ng Estados Unidos ng 2020
- Halalan sa Senado ng Estados Unidos sa Georgia ng 2020–21, natatanging halalan sa Senado ng Estados Unidos sa Georgia
- Tinaya ng mga himpilan ng balita na matatalo ng Demokratang si Raphael Warnock ang kasalukuyang Republikanong si Kelly Loeffler, na gagawin siyang pinakaunang Aprikano-Amerikanong Senador ng estado. Inangkin ni Warnock ang tagumpay, habang tumanggi sa pag-amin sa pagkatalo si Loeffler at nangakong patuloy na "lalaban". (CNBC) (BuzzFeed News)
- Makokontrol ng mga Demokrata ang Senado pagkatapos talunin ni Jon Ossoff ang Republikanong si David Perdue, na pinapahintulot ang paparating na Pangalawang Pangulong Kamala Harris na magsagawa ng pagputol sa tablang boto. (CNN)
- Halalan sa Senado ng Estados Unidos sa Georgia ng 2020–21, natatanging halalan sa Senado ng Estados Unidos sa Georgia
- Bilang ng Elektoral na Kolehiyo sa halalang pampangulo sa Estados Unidos ng 2020
- Sinubok ng pinagsamang sesyon ng Kongreso ng Estados Unidos na isertipika ang resulta ng boto ng Elektoral na Kolehiyo at patunayan ang pagkahalal ni Joe Biden bago ito nagambala ng pagsalakay sa Kapitolyo ng Estados Unidos. (CNN)
- Sinabi ng mga mambabatas na ipagpapatuloy nila ang sertipikasyon ng pagkapanalo ni Biden ngayong gabi. (The Hill)
- Mga halalan sa Senado ng Estados Unidos ng 2020