Wikipedia:Paalala sa panganib
Mga paalala |
Dapat niyo pong malaman na maaaring mali, mapanlinlang, mapanganib, di-makatao, o ilegal ang kahit anong impormasyon na makikita niyo rito sa Wikipedia.
Maaaring humantong sa mapanganib na sitwasyon ang mambabasa ng Wikipedia dahil sa mga nakita nilang impormasyon rito na ginamit nila para sa kanilang interes, o upang isulong ang impormasyong nagmula sa mga third party.
Wala po sa mga may-akda, nag-ambag, tagapangasiwa (admin), o sinumang konektado sa Wikipedia sa kahit anong kaparaanan ang responsable para sa paggamit mo sa impormasyon nakalagay dito o naka-link sa mga pahinang ito.
Ugaliin po nating siguraduhin na ang mga nakikita niyo pong impormasyon rito sa Wikipedia ay tama at tumpak. Silipin ang mga sanggunian na ginamit sa artikulo sa dulo, at basahin din ang pahina ng usapan at mga kamakailang pagbabago sa pahina para makita kung may mga pagtatalo sa nilalaman ng artikulo. I-double check po natin ang impormasyon sa ibang mga sanggunian bukod sa Wikipedia.
Kung naglalaman ang isang partikular na artikulo ng mga mungkahi na maaaring mapanganib, ilegal, o di-makatao, palagi po nating tandaan na kahit sino po ay pwedeng maglagay ng ganitong impormasyon sa Wikipedia. Maaari pong hindi kuwalipikado ang mga may-akda upang mabigyan kayo ng kumpletong impormasyon o upang maabisuhan kayo ukol sa proseso para hindi ka o kung sinuman na malagay sa peligro, o makasira ng ari-arian o reputasyon ng iba. Kung nangangailangan po kayo ng payo ukol sa isang paksa, mangyari pong maghanap kayo ng isang propesyonal na maalam sa paksang ito.
Hindi pantay-pantay na nasuri ang bawat pahina dito; bagamat pwedeng itama ng mga mambabasa ang mga nakita nilang kamalian dito o di kaya'y magsagawa ng impormal na pagsusuri sa pahina, wala po silang responsibilidad na legal na gawin ito kaya naman wala rin pong kasiguraduhan na ang mga nababasa niyo ritong impormasyon ay tama o magagamit sa kahit anong sitwasyon.
Walang panghahabol mula sa mga gawaing bilang resulta ng paggamit sa impormasyon na nandito ang magagawa mo kontra Wikipedia, dahil isa itong malaya at bukás na proyektong sama-samang isinasagawa ng mga boluntaryo na may iisang layunin na gumawa ng isang libreng pang-edukasyon, pangkultura, at pang-impormasyong mapagkukunan ng impormasyon. Binibigay sa'yo ang impormasyong ito nang walang kapalit, at walang kasunduan o pag-unawa sa pagitan mo at ng Wikipedia ukol sa paggamit at pagbago mo sa impormasyon na ito lagpas sa saklaw ng Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License (CC-BY-SA) at ng GNU Free Documentation License (GFDL).
Wag po agad maniwala sa impormasyon na makikita niyo sa Wikipedia nang hindi muna bineberipika ang katotohanan nito mula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian.