Wikipedia:Paalalang legal
Mga paalala |
Naglalaman ang Wikipedia ng mga paksang legal; gayunpaman, hindi po garantisado na tumpak ang mga impormasyon na nakalagay sa mga artikulo rito. Hindi po sinisigurong tama at tumpak ang anumang mga pahayag ukol sa mga legal na bagay na nakalagay sa anumang artikulo rito. Magkakaiba ang mga batas na umiiral sa bawat lugar, at patuloy po itong nagbabago—mabilis sa ilang kaso. Kahit na tama at tumpak ang mga pahayag ukol sa batas na nandito, posibleng tama lang ito sa hurisdiksiyon ng taong naglagay nito rito; bukod dito, maaari ring nagbago, pinalitan, o ipinawalang-bisa ang mga batas na nakalagay rito simula noong ginawa ang naturang artikulo dito sa Wikipedia.
Sa pangkalahatan, ang impormasyong nakalagay dito sa Wikipedia ay impormatibo at hindi dapat gamiting pamalit sa legal na payo ng lisensiyadong propesyonal tulad ng isang abogado na may angkop na kaalaman ukol sa kaso mo. Mangyaring kontakin niyo po ang sarili niyong lisensiyadong abogado, o di kaya'y kumonsulta sa isang law office o pampublikong abogado.
Wala sa mga indibidwal na nag-ambag, sysop, developer, o mga sponsor ng Wikipedia, o sinumang konektado sa Wikipedia ang responsable sa mga resulta ng pagsubok na gamitin ang anumang impormasyon, tama man o mali, na nakalagay sa site na ito.
Walang sinuman sa wikipedia.org o alinman sa mga kaugnay na proyekto ng Wikimedia Foundation, Inc., ang dapat ituring na nag-aalok o nagbibigay ng legal na opinyon o anumang tungkol sa larangan ng abogasya.