Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Paalalang medikal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
HINDI PO NAGBIBIGAY NG MEDIKAL NA PAYO ANG WIKIPEDIA

Naglalaman ang Wikipedia ng mga paksang medikal; gayunpaman, hindi po garantisado na tumpak ang mga impormasyon na nakalagay sa mga artikulo rito. Hindi po sinisigurong tama at tumpak ang anumang mga pahayag ukol sa medisina na nakalagay sa anumang artikulo rito. Isinulat po kasi ang napakalaking bahagdan ng mga artikulo dito ng mga hindi propesyonal, buo man o bahagya. Kahit na maaaring tama at tumpak ang mga nakasulat dito na pahayag tungkol sa medisina, maaaring hindi mo ito pwedeng gamitin para sa'yo o para sa mga sintomas na nararanasan mo o kung sino.

Sa pangkalahatan, ang impormasyong nakalagay dito sa Wikipedia ay impormatibo at hindi dapat gamiting pamalit sa medikal na payo ng lisensiyadong propesyonal tulad ng isang lisensiyadong doktor na may angkop na kaalaman ukol sa karamdaman mo. Mangyaring kontakin niyo po ang sarili niyong lisensiyadong doktor, o di kaya'y kumonsulta sa pampubliko o pribadong ospital, klinik, o health center sa lugar ninyo. Hindi po, at wag ituring kailanman na doktor ang Wikipedia.

Wala sa mga indibidwal na nag-ambag, sysop, developer, o mga sponsor ng Wikipedia, o sinumang konektado sa Wikipedia ang responsable sa mga resulta ng pagsubok na gamitin ang anumang impormasyon, tama man o mali, na nakalagay sa site na ito.

Walang sinuman sa wikipedia.org o alinman sa mga kaugnay na proyekto ng Wikimedia Foundation, Inc., ang dapat ituring na nag-aalok o nagbibigay ng medikal na payo o anumang tungkol sa larangan ng medisina.