Wikipedia:Peminismo at Tradisyong-pambayan/2022
Maligayang pagdating sa Peminismo at Tradisyong-pambayan!
|
Ang Peminismo at Tradisyong-pambayan ay ang bersyong Tagalog ng Feminism and Folklore, isang internasyunal na patimpalak na inorganisa sa Wikipedia taon-taon sa mga buwan ng Pebrero at Marso upang idokumento ang kalinangang pambayan at kababaihan sa kuwentong-bayan sa iba't ibang mga rehiyon ng mundo sa Wikipedia. Ang proyektong Feminism and Folklore ay edisyong Wikipedia ng kampanyang potograpiya na Wiki Loves Folklore na inorganisa ng Wikimedia Commons upang idokumento ang mga tradisyong-pambayan sa buong mundo.
Ang pangunahing layunin ng kompetisyon ay ikolekta ang mga pagkakaiba-iba sa kalinangan ng tao sa pandaigdigang malayang ensiklopedyang Wikipedia at ibang mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia. Sa taon na ito, nakatuon ang patimpalak sa kalinangang pambayan sa buong mundo, na may partikular na atensyon sa pagsasara sa puwang sa kasarian, habang nakikipagtulungan sa ibang apilyado at pangkat sa buong mundo.
Simula noong 2019, nakapag-organisa na ng isang patimpalak sa iba't ibang wika sa Wikipedia at pinili na ilagay ang proyekto sa meta upang mapahintulot ang mga inter-lingguwal at inter-proyektong kooperasyon, upang pagyamanin ang tunay na pananaw ng pangdaigdigang kilusan ng "wikilove" o "wikipag-ibig." Kailangang tumugma ang mga artikulo sa tema, kahit pista, sayaw, lutuin, o pang-araw-araw na buhay man ito na binibigyan-diin ang kalinangang bayan sa lugar na iyon. Malaya kang pumili ng artikulo mula sa tala na inihanda sa meta, o pumili ka ng sarili mong paksa na may kaugnayan sa pangunahing tema at nakatuon sa pagsasara sa puwang sa kasarian. May iba't ibang kahulugan ang hindi nahahawakang pamanang pangkalinangan sa iba't ibang pangkat kaya tinitingnan nito ang pagpapahusay na nilalaman, tinutulungan ang interkultural na diyalogo, at hinihikayat ang paggalang sa isa't isa para sa ibang paraan ng buhay. Naghahatid din ito ng kaalaman sa pagkakaiba-iba ng kalinangan para sa pagkuha ng impormasyon ng mga gumagamit ng mga proyektong Wikimedia.
Tema
[baguhin ang wikitext]Nakatuon ngayon ang Peminismo at Tradisyong-pambayan sa peminismo, talambuhay ng mga kababaihan at mga paksang nakatuon sa kasarian para sa proyektong kasama ng Wiki Loves Folklore na nakatuon din sa puwang sa kasarian kasama ang kalinangang pambayang tema sa Wikipedia.
Tradisyong-pambayan – sa buong mundo, subalit hindi limitado sa sayawing pambayan, pistang pambayan, musikang pambayan, aktibidad na pambayan, larong pambayan, lutuing pambayan, kasuotang pambayan, kuwentong bibit, palabas pambayan, sining pambayan, relihiyong pambayan, mitolohiya atbp.
Kababaihan sa tradisyong-pambayan – kabilang subalit hindi limitado sa, kababaihan at personalidad na queer sa kuwento-bayan o tradisyong-pambayan, kalinangang pambayan (pambayang alagad ng sining, pambayang mananayaw, pambayang musikero, atleta ng pambayang laro, kababaihan sa mitolohiya, kababaihang mandirigma sa kuwentong-bayan, witch [bruha, mambabarang o maggagaway] at pag-uusig sa witch, kuwentong bibit at marami pa).
Panahong itatagal
[baguhin ang wikitext]Mula Pebrero 1, 2022 00:01 UTC hanggang Marso 31, 2022 23:59 UTC
Araw at oras sa Pilipinas: Pebrero 1, 2022 08:01 (ng umaga) hanggang Abril 1, 2022 07:59 (ng umaga)
Mga patakaran
[baguhin ang wikitext]- Lumikha o magpalawig ng artikulo na hindi bababa sa 300 salita at 3000 byte.
- Hindi dapat awtomatikong isinalin o machine translated ang artikulo.
- Dapat napalawig o nalikha ang artikulo sa pagitan ng Pebrero 1 at Marso 31.
- Dapat nasa loob ng tema ng peminismo at tradisyong-pambayan ang artikulo.
- Wala dapat paglabag sa karapatang-ari at isyu sa notabilidad o pagiging kilala at kailangang may maaasahang sanggunian ang artikulo na hangga't maaari ay hindi bababa sa tatlong (3) at naayon sa mga patakaran ng Wikipedia.
Premyo
[baguhin ang wikitext]Mga premyo para sa pinakamataas na tagapag-ambag (pinakamaraming artikulo) sa lahat ng edisyong Wikipedia na sumali:
- Unang premyo: – 300 USD
- Ikalawang premyo: – 200 USD
- Ikatlong premyo: – 100 USD
- Premyong pampalubag-loob para sa pinakamataas na 10 mananalo: – 10 USD
Mayroon ding lokal na papremyo sa pinakamaraming nalikhang artikulo sa bawat lokal na proyektong Wiki. Sa papremyong ito, may badyet na 25 USD para sa 20 edisyong Wikipedia (500 USD sa kabuuan) subalit maaring magbago ito depende sa alokasyon ng kaloob sa mga nag-organisa. May maraming impormasyon pa sa pahinang proyekto sa meta.
Ang premyong ibibigay ay nasa anyong gift voucher/coupon
Magpatala
[baguhin ang wikitext]Maari kang magpatala sa kahit anong oras hanggang Marso 31, 2022.
Isumite ang mga lahok na artikulo
[baguhin ang wikitext]Lumikha o nagpabuti ka ba ng artikulo sa Wikipediang Tagalog para sa Peminismo at Tradisyong-pambayan? Isumite ang inyong mga kontribusyon sa pamamagitan ng Fountain tool. Maaring magkapagsumite ng kontribusyon mula Pebrero 1 hanggang Marso 31, kasalukuyang taon.
Kung nahihirapan kang magadala sa pamamagitan ng Fountain, pakiulat ang iyong problema sa pahinang usapan ng patimpalak na ito at subukan muli sa ibang pagkakataon. Kung mayroong problema pa rin pagkatapos gawin ito, maari mo siyang itala dito.