Wikipedia:Supnayan ng mga nagdaang napiling larawan
- Ito ang mga tala ng mga napiling larawan. Kung nais mong mag-nomina ng larawan pumunta sa pahina ng nominasyon.
Mga napiling larawan sa Wikipedia Itinatangi ng pahinang ito ang mga larawan na itinuturing ng pamayanan na maganda, kabighabighani, kaakit-akit at/o nakapagbibigay-kaalaman. Isa itong namamasid at napagmamasdang katumbas ng nababasang mga napiling artikulo at dahil gayon mas makapaksa. Tinipon ang mga larawan sa supnayang ito upang mapagmasdan mo. Mayroon ding mga napiling larawan sa Wikimedia Commons at mga kategorya ng napiling larawan sa Wikimedia Commons na mailalagay sa mga panoorang pangkompyuter. Sa ngayon, mayroong mga 135 napiling mga larawan sa Tagalog na Wikipedia. Nilalagyan ng tag o tatak na ganito ang mga larawang napili sa kanilang pahina ng talaksan, pahina ng usapan, at usapang suleras, kasama ang petsa kung kailan ito naganap:
Kung mayroon kang ibig idagdag na larawan para maging napiling larawan, iharap ito sa pahina ng nominasyon. Dapat lamang na nasa dominyong publiko o nasasakop ng malayang lisensiya ang mga larawang nakatala rito. Kapag napili ang larawan, magkakaroon din ito ng isang maliit na bituing tanso () sa pang-itaas na kanang sulok ng pahina ng usapan ng larawan upang - bukod pa sa tatak na nasa itaas - talagang maipapahiwatig na napili nga ang larawan. Sa ngayon, maaari ring maglagay ang sinumang patnugot ng anumang larawan mula sa Wikipedia Commons (halimbawa na ang Picture of the day). Hindi na ito daraan sa paghaharap sa Tagalog Wikipedia kung ito ay nakapailalim na sa anumang kategorya ng pagiging natatanging larawan sa Commons, ngunit dapat lamang na may katumbas na artikulo ito sa Tagalog Wikipedia. Dapat ring nakapaloob sa artikulo sa Tagalog Wikipedia ang larawang pinili para itangi dito (ipasok lamang kung wala pa sa artikulong kaugnay; kung may sapat nang bilang ng larawan sa artikulo, maaaring hindi na ilagay sa artikulo ang napiling larawan; suriin na lamang kung dapat bang palitan ang (mga) larawan na nasa artikulo ng napiling larawan; sa ganitong kaso, ipalit ang napiling larawan kapag nararapat lamang). Dapat lamang na dumaan sa paghaharap at halalan ang mga larawang tuwirang ikinarga dito sa Tagalog Wikipedia (hindi doon tuwirang ikinarga sa Wikipedia Commons para kuhanin at gamitin sa Tagalog Wikipedia). Kailangan din iharap para pagbotohan ang mga larawan na bagaman galing sa Wikipedia Commons ay hindi naman nabibilang sa mga itinuturing na tampok o natatangi (tulad ng mga nabanggit sa itaas). Bagaman, kailangang iabiso ng isang tagagamit ang isa sa mga tagapangasiwa na idagdag ang kanilang napiling larawan mula sa Commons dahil nakaprotekta ang suleras na paglalagyan sa Unang pahina. Maaari mong ilagay sa iyong pahina ng tagagamit ang kahon ng napiling larawan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tekstong {{Napiling Larawan}} kung saan mo man ibig palitawin ang larawan. Paalala: Isinasama sa paglalagay sa unang pahina ang pangalan ng tagagamit na gumawa (orihinal na kumuha o nag-ambag) ng larawan o litrato. Huwag po sana itong kalilimutan. At mangyari pong limitahan lamang ang mga pananalitang naglalarawan ng larawan sa dalawa hanggang tatlong pangungusap. Pagpapalit: Sa kasalukuyan, lingguhan ang ginagawang pagpapalit ng larawan ngunit maaari rin itong palitan anumang oras, kapag naitanghal na ng lubos ang isang larawan. Pagsusupnay: Isinusupnay o inilalagay sa ibaba ang mga pangkasalukuyan at kadaraan lamang na mga napiling larawan hanggang sa dapat nang sinupin o iarkibo. Pagsisinop: Sinisinop o inilalagak sa sinupan (inaarkibo) sa kawing na matatagpuan rin sa ibaba, gawing kanan, ang mga pangkat ayon sa taon ng pagkakapili. Karaniwang ginagawa ito pagkatapos ng taon: tuwing katapusan ng Disyembre bawat taon o mga unang araw ng bagong taon (maaaring maaga depende sa dami ng bilang ng mga napiling larawan). |
Mga kasangkapan para sa mga napiling artikulo:
|
Mga nilalaman
| |
Kasalukuyang napiling larawan[baguhin ang wikitext]Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32. May-akda ng larawan: NASA Nagdaang napiling larawan[baguhin ang wikitext]Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana May-akda ng larawan: A.Savin Iba pang nagdaang mga napiling larawan[baguhin ang wikitext]Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na 'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat. May-akda ng larawan: Rhododendrites Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula. May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham) Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genus Panthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito. May-akda ng larawan: Charles J Sharp Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan. May-akda ng larawan: Uoaei1 Ang pulang soro (Vulpes vulpes) ay ang pinakamalaki sa mga tunay na soro at isa sa pinakamalawak na laganap na kasapi ng orden na Carnivora, na makikita sa buong Hilagang Emisperyo kabilang ang karamihan ng Hilagang Amerika, Europa at Asya, dagdag pa ang ilang bahagi ng Hilagang Aprika. Nakatala ito sa IUCN bilang least concern o pinakamaliit ang pag-aalala. Tumaas ang naabot nito kasama ng paglago ng tao. Nang ipinakilala ito sa Australya, tinuri itong nakakasama sa mga katutubong mamalya at mga populasyon ng ibon. Dahil sa presensya nito sa Australya, naitala ito sa "100 pinakamalalang espesyang sumasakop." May-akda ng larawan: Uoaei1 Iba pang mga nasa sinupan na[baguhin ang wikitext]
|