Wikipedia:Buwang Asyano ng Wikipedia
Tahanan | MIDYA | 2024 | 2023 | 2022 | 2021 | 2020 | 2019 | 2018 | 2016 | 2015 |
Kasapi ang Wikipediang Tagalog sa Buwang Asyano ng Wikipedia (Wikipedia Asian Month), isang editaton (maraton sa pamamatnugot) sa Internet na sasapit ngayong Nobyembre 2018 na may pakay na palawakin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pamayanang Wikipedia sa Asya. Sa loob ng huling tatlong taon, mahigit 20,500 artikulo ang naiambag sa 50 wikang kalahok ng Buwang Asyano ng Wikipedia ng mahigit 2,000 patnugot.
Kasama ang 30 pang Wikipedia sa iba't-ibang wika ng mundo, layunin ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog na pagbutihin ang bilang at kalidad ng mga artikulo sa Wikipedia ukol sa mga bansa ng Asya maliban sa Pilipinas.
Bilang isang proyekto ng Pamayanang Asyano ng Wikimedia (Wikimedia Asia Community) na nais pagbutihin ang diwa ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga pamayanang Wikimedia sa Asya, makatatanggap ang bawa't kasapi na lumikha ng apat (4) na artikulong umaayon sa tuntunin ng proyekto ng isang natatanging tarhetang postal (postcard) mula sa ibang bansang kasapi. Hihirangin din ang mga nagsulat ng pinakamaraming artikulo sa takbo ng proyekto bilang mga "Embahador ng Wikipedia sa Asya" (Asian Wikipedia Ambassador).
Tuntunin
Upang maging kuwalipikado ang isang artikulo para sa Buwang Asyano ng Wikipedia, dapat umaayon ito sa mga sumusunod na tuntunin:
- Dapat bagong likha ang artikulo (hindi pagpapalawak ng isang umiiral na usbong, likha mo man o hindi), at inilikha ito makalipas ng 0:00 UTC (8:00 n.u. PST) ng 1 Nobyembre 2018 pero bago sumapit ang 23:59 UTC ng 30 Nobyembre (7:59 n.u. PST ng 1 Disyembre) 2018
- Dapat may laki ito na hindi bababa sa 3,000 byte at may haba na hindi bababa sa 300 salita
- Dapat umaayon ang artikulo sa patakaran sa katanyagan (kasalukuyang ginagamit dito ang patakaran sa Wikipediang Ingles)
- Dapat mabuti ang pananangguni ng artikulo. Kung may mga pangungusap sa artikulo na kontrobersiyal o kaduda-duda, dapat mapatunayan ito ng mga sangguniang ginamit.
- Dapat hindi isinalin ang artikulo gamit ang de-makinang pagsasalin (machine translation) at kaakit-akit ang estilo ng panunulat nito
- Dapat walang problema (walang mga tag na nagbabala sa mga tagagamit na may kailangang ayusin) ang artikulo
- Dapat hindi tala (list) o talaan (table) ang artikulo
- Dapat nakakapagpaturo (informative) ang artikulo
- Dapat may kinalaman ang artikulo (pampolitika, pangkultura, heograpikal, atbp.) sa anumang bansa, rehiyon o teritoryo sa Asya maliban sa Pilipinas.
Tandaan na sa katapusan ng proyekto, magpapasya ang mga hurado mula sa Wikipediang Tagalog kung katanggap-tanggap ba ang artikulo sa ilalim ng mga tuntuning ito o hindi.
Organisasyon
Kung nais niyong tumulong sa pag-oorganisa ng Buwang Asyano, mangyari pong mag-iwan ng mensahe sa pahinang usapan.
Dating edisyon
Mga hurado
Bukas ngayon ang proyekto para sa mga nais maging hurado. Mangyari pong makipag-ugnayan kay Sky Harbor, na nagsisilbing pangunahing organisador ng Buwang Asyano sa Wikipediang Tagalog. Maari pang magbago ang tala ng mga hurado bago magsimula ang proyekto.
Mga kasapi
- Mangyaring magsumite ng inyong mga artikulo gamit ang kagamitang ito. I-klik ang 'lumagda' sa kanang itaas at bahala na ang OAuth sa paglalagda. Maaari mo ring palitan ang wika ng interface sa kanang itaas.
- Kapag nagsumite ka ng artikulo, magdadagdag ng padron ang kagamitan sa artikulo at mamarkahan nito bilang nangangailangan ng repaso ng isang organisador. Maaari mong gamitin ang kagamitan upang tingnan ang mga artikulong naipaunlad mo, na kasama rin ang bilang ng mga artikulong tinanggap para sa paligsahan.
- Makatatanggap ang mga kalahok na may hindi bababa sa apat (4) na artikulong tanggap ng isang tarhetang postal mula sa Buwang Asyano ng Wikipedia. Ang Wikipedistang may pinakamataas na bilang ng mga artikulong tinanggap sa Wikipediang Tagalog ang siyang itatanghal bilang "Embahador ng Wikipedia sa Asya", at makatatanggap siya ng nilagdaang sertipiko at isa pang tarhetang postal.
- Kung nakakaranas ka ng problema sa paggamit o sa pagpunta sa kagamitan, maaari mong isumite ang iyong mga artikulo sa pahinang ito sa tabi ng iyong ngalan ng tagagamit.
- Kung mayroon kang katanungan, maaari mong tingnan ang aming Q&A (sa Ingles) o magtanong sa pahinang usapan ng Buwang Asyano ng Wikipedia.
Mga kasapi
[baguhin ang wikitext]Mga kasaping proyekto
Mga Wikipedia
- Wikipediang Asames
- Wikipediang Aserbayano
- Wikipediang Avar
- Wikipediang Bashkir
- Wikipediang Bengali
- Wikipediang Bikol Rinconada
- Wikipediang Bikol Sentral
- Wikipediang Biyetnames
- Wikipediang Bulgaro
- Wikipediang Ebreo
- Wikipediang Espanyol
- Wikipediang Esperanto
- Wikipediang Gujarati
- Wikipediang Hapones
- Wikipediang Indonesyo
- Wikipediang Ingles
- Wikipediang Kannada
- Wikipediang Koreano
- Wikipediang Ladino (Hudyo-Espanyol)
- Wikipediang Maithili
- Wikipediang Malayalam
- Wikipediang Persa
- Wikipediang Punjabi
- Wikipediang Ruso
- Wikipediang Sakha
- Wikipediang Sanskrito
- Wikipediang Sindhi
- Wikipediang Singgales (Sinhala)
- Wikipediang Tagalog
- Wikipediang Tamil
- Wikipediang Taylandes (Thai)
- Wikipediang Tsino
- Wikipediang Ukranyano
- Wikipediang Urdu
- Wikipediang Uzbek
Mga sangay at grupo ng tagagamit
- Wikipedia Asian Month User Group
- Azerbaijani Wikimedians User Group
- Wikimedia Bangladesh
- Wikimedia User Group China
- Wikimedia Community User Group Hong Kong
- Wikimedia India
- Wikimedia Indonesia at Wiki-ID
- Iranian Wikimedians User Group
- Wikimedians in Kansai (Hapon)
- Wikimedians of Korea
- Wikimedians of the Levant (Hordan, Libano, Palestina, Sirya)
- Wikimedia Community User Group Malaysia
- Kapisanang Wiki ng Pilipinas (dating Wikimedia Pilipinas) at PhilWiki Community
- Punjabi Wikipedians User Group (India)
- Wikimedia Community User Group Sri Lanka
- Wikimedia Taiwan
- Wikimedians in Thailand
- Wikimedians of Uzbekistan
- Vietnam Wikimedians User Group
- West Bengal Wikimedians (India)