Pumunta sa nilalaman

Wikipediang Waray

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikipediang Waray
Uri ng sayt
Proyektong ensiklopediang pang-internet
Mga wikang mayroonWaray-Waray Pilipinas
Punong tanggapanMiami, Florida
May-ariPundasyong Wikimedia
URLwar.wikipedia.org
Pang-komersiyo?Hindi
PagrehistroOpsyonal
Nilunsad25 Setyembre 2005; 19 taon na'ng nakalipas (2005-09-25)

Ang Wikipediang Waray (Ingles: Waray Wikipedia) ay isang edisyong wikang Waray ng Wikipedia. Sinimulan ito noong Setyembre 25, 2005.[1] Ngayong Oktubre 7, 2024, ang edisyong ito ay may 1,266,601 artikulo[2] at ito ang ikalabing-isang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia.[3] Kahit kaunti lamang ang kanyang aktibong tagagamit (81), ang Wikipediang Waray ay may mataas na bilang ng mga artikulong awtomatikong nabuo na nilikha ng mga bot, karamihan mula sa Lsjbot ni Sverker Johansson, isang Wikipedistang Suweko.[4][5][6]

Sinasalita ang Waray ng halos 2.6 milyong[7] katao sa Silangang Kabisayaan sa Pilipinas.

Unang inorganisa ang Wikipediang Waray sa Tacloban noong 25 Setyembre 2005 ni Harvey Fiji. Naging kaunti lamang ang mga taga-ambag, na wala pang sampung patnugot bawat buwan hanggang Abril 2009. Naganap ang unang pagpupulong ng mga patnugot noong Enero 2013 sa Tacloban.[8][9]

Noong unang bahagi ng 2011, nakatawag-pansin ang Wikipediang Waray dahil naglaman ito ng mahigit sa doble ng artikulo sa Wikipediang Tagalog, na nakabatay sa pangunahing wika ng Pilipinas. Ipinaliwanag itong agwat ng napakaraming artikulong awtomatikong naidagdag ng mga bot, na walang direktang kontribusyon mula sa tao.[10][11] Noong unang bahagi ng Enero 2014, nakamtan ng Wikipediang Waray ang napakalaking bilang ng 1 milyong artikulo, ngunit isang napakababang lalim ng artikulo na mas mababa sa 3. Ang lalim ng artikulo ay isang pagtatangka upang sukatin ang kalidad ng pakikipagtulungan sa mga artikulo, batay sa bilang ng pagbabago kada artikulo.

Ayon sa datos ng Wikimedia na awtomatikong naisasapanahon, pagsapit ng Oktubre 7, 2024, ang Wikipediang Waray ay may may 2,870,175 pahina (kabilang ang mga pahina ng tagagamit, pahinang pantulong, atbp.), 81 aktibong tagagamit, at 7,603,387 kabuuang pagbabago. Ang lalim ng artikulo sa Wikipediang Waray ay 4.25—isang di-pulidong tagapaghiwatig ng kalidad ng pakikipagtulungan sa mga artikulo—kumpara sa 147.68 sa Wikipediang Tagalog. (Magkamag-anak na wika ang Waray at Tagalog na kabilang sa Malayo-Polynesyong sangay ng mga wikang Austronesyo.)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Start of the Waray Wikipedia". War.wikipedia.org. 2005-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mga Estadistika". War.wikipedia.org. Nakuha noong 31 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. List of Wikipedias
  4. For This Author, 10,000 Wikipedia Articles is a Good Day's Work - WSJ
  5. The world's most prolific writer - Features – N by Norwegian
  6. "Hans robot har skrivit halva Wikipedia - Internetworld". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-29. Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Waray". Ethnologue. Summer Institute of Linguistics. Nakuha noong 5 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Locsin, Joel (2014-06-10). "Waray Wikipedia hits 1 million articles". Yahoo News Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-07. Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Wikipedia Statistics Waray". Stats.wikimedia.org. Nakuha noong 31 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Martin W. Lewis (2011-04-18). "The Linguistic Geography of the Wikipedia". GeoCurrents.info.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Siddique, Ashik (2013-12-27). "Meet the Stats Master Making Sense of Wikipedia's Massive Data Trove". Wired.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Wikipediang Waray mula sa Wikivoyage