Will Ashley
Will Ashley | |
---|---|
Kapanganakan | Will Ashley De Leon 17 Setyembre 2002 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Trabaho | Aktor |
Aktibong taon | 2013-kasalukuyan |
Ahente | GMA Network (2013-kasalukuyan) |
Kilala sa | Nolan |
Website | Will Ashley sa Instagram |
Si Will Ashley De Leon (ipinanganak noong Setyembre 17, 2002) ay isang aktor[a] at mananayaw ng GMA Network. Kilala siya sa ginampanan[b] sa Prima Donnas bilang Nolan, kasama sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Jemwell Ventinilla.[1]
Kalahok siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition bilang "Ang Mama's Dreambae ng Cavite."[2] Sa pananatili niya sa programa, tinagurian siyang "anak" at binansagang "Nation's Son."[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Una siyang namalasan sa telebisyon nang siya ay 11 taong gulang, sa ginampanan niya bilang batang Isagani sa Kapuso serye Villa Quintana noong 2013. Simula noon, madalas na siyang mamalasan sa iba pang Kapuso serye tulad ng Niño, Inamorata, at Alyas Robin Hood bilang nakababatang bersyon ng tanyag na tauhan. Matapos mapamalas ang kaniyang kakayahan bilang isang batang magtatanghal, ay nasundan pa ito ng mga labintaunin at matanda na mga gampan[c] sa mga serye tulad ng Prima Donnas, Unbreak My Heart, at Ang Prinsesa ng City Jail.
Noong 2024, gumanap siya bilang Enzo, ang anak ni Teacher Emmy sa pelikula ng Cinemalaya na "Balota." Sa pagtatanghal, nakakamit siya ng pagpili bilang Movie Supporting Actor of the Year para sa ika-anim na Village Pipol Choice Award.[3]
Kakanyahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban sa pagtatanghal, umaawit din siya at tumutugtog ng gitara. Siya rin ay mahilig sumayaw sa Tiktok. Naglalaro rin siya ng basketball. Siya ay may alagang dalawang taong gulang na Chartreux na pusa na pinangalanan niyang "Jerry"—ang ginampanan niyang tauhan sa Unbreak My Heart. Hindi rin niya ikinahihiya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang ina.[3]
Kalinangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Udyok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nabanggit ni Will Ashley na naging masugid siya sa pagiging magtatanghal matapos niyang makita sa isang pagtatanghal sa mall si Alden Richards noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.[4] Hinahangaan din niya si Melai Cantiveros-Francisco dahil sa katagalan nito sa industriya.[5] Mula noon pumasok sya sa showbusiness at nanatiling si Julie Anne San Jose ang hinahangaan niyang aktres.
Kasikatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya at si Bianca De Vera ay naging inspirasyon ni Eliza Maturan sa pag-akda ng kaniyang pinakabagong awit na pinamagatang "Ikaw, Ikaw, Ikaw."[6]
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan | Sanggunian |
---|---|---|---|
2023 | The Vigil | Michael | |
2024 | Balota | Enzo | [7] |
X&Y | Xander/X | [8] |
Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan | Himpilan |
---|---|---|---|
2013 | Villa Quintana | batang Isagani | GMA Network |
2014 | My BFF | Jasper | |
Niño | batang Niño | ||
Innamorata | batang Dencio | ||
2015 | Pari 'Koy | Joshua Banal | |
Little Nanay | batang Peter Parker Batongbuhay | ||
2016 | Alyas Robin Hood | batang Jekjek | |
2017 | Destined to be Yours | Sol Obispo | |
Mulawin vs. Ravena | binatilyong Uwak-ak | ||
2018 | Contessa | Elijah "Ely" Resurrecion-Venganza | |
2019 | Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento | Andy | |
Pokemon XYZ | Ash Ketchum (boses; Filipino) | ||
2019–2022 | Prima Donnas | Nolan Dimasalang | |
2021 | The Lost Recipe | Tarragon | |
2021–2022 | The World Between Us | batang Brian | |
2022 | The Fake Life | Peter Luna | |
2022–2023 | Mano Po Legacy: The Flower Sisters | Andrew James Chua-Tan | |
2023 | Unbreak My Heart | Jeremiah "Jerry" Keller | GMA Network, iWantTFC, Viu |
2023–2024 | Lovers & Liars | batang Martin | GMA Network |
2025 | Prinsesa ng City Jail | Onse Rivera | |
Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition | Housemate/Sarili |
Antolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan | Himpilan | Sanggunian |
---|---|---|---|---|
2015 | Magpakailanman: Isang Mister, Lima ang Misis | Jay-ar | GMA Network |
[9] |
2017 | Magpakailanman: Ang bestfriend kong aso | Binatilyong Eddieboy | ||
Dear Uge: Aso't Pusa | Kyle | |||
2019 | Maynila: The Wicked Tita | Rico | ||
Magpakailanman: Arrest My Son's Rapist | Cris | [10] | ||
Maynila: Friends Ever | Mesh | |||
Magpakailanman: Ang pumatay nang dahil sa'yo | Batang Mark | |||
2021 | Wish Ko Lang! | Pinsan ni Anna | [11] | |
2022 | Regal Studio Presents: My Favorite Son | Christian | [12] | |
Daig Kayo ng Lola Ko: Pao Pasaway | Pao | [13] | ||
Regal Studio Presents: Once a Dad | Manley | |||
Daig Kayo ng Lola Ko: Game Over | Luigi | [14] | ||
Tadhana: Isabella | Andrei | |||
2023 | Magpakailanman: The Viral Cancer Survivor | Sean Beltran | ||
2024 | Regal Studio Presents: Swipe for Romance | Miko | [15] | |
Regal Studio Presents: Loving Miss Selfish | Miguel | [16] | ||
Regal Studio Presents: Pawfect Match | Alex | [17] | ||
Magpakailanman: My Very Special Son | Quentin | |||
2025 | Regal Studio Presents: My Sweet Girl Next Door | Columbus | [18] |
Mga parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Karangalan | Sari | Pamagat | Hinatnan |
---|---|---|---|---|
2025 | 6th Village Pipol Choice Awards | Movie Supporting Actor of the Year | Balota | Nominado |
2023 | Philippine Empowered Men and Women of the Year | Multimedia Heartthrob Award | Nanalo |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Will Ashley sa IMDb
- ↑ "Will Ashley". Sparkle GMA Artist Center. GMA Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2025.
- ↑ "'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' reveals complete roster of hosts". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2025-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-02-27. Nakuha noong 2025-04-27.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Yap, Jade Veronique (14 Abril 2025). "Get to know Will Ashley, the Nation's Favorite Son right now". GMA News Online. GMA Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2025. Nakuha noong 16 Abril 2025.
- ↑ Ruiz, Marah. "Will Ashley, si Alden Richards ang inspirasyon sa pag-aartista". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2025. Nakuha noong 2025-04-22.
- ↑ Acierto, Drew (Marso 28, 2025). "EXCLUSIVE: Will Ashley feels pressured but excited joining Pinoy Big Brother".
- ↑ Roque, Nika (2 Mayo 2025). "Will Ashley, Bianca de Vera are the inspiration behind new song by Eliza Maturan 'Icebox'". GMA News Online. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Will Ashley, puspusan ang paghahanda para sa balota". GMA Network. Nakuha noong 27 Abril 2025.
- ↑ "Will Ashley and Ina Raymundo star in an upcoming film together". GMA Network. Nakuha noong 27 Abril 2025.
- ↑ Eusebio, Aaron Brennt. "LOOK: Will Ashley's quarantine body transformation". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-17.
- ↑ Caligan, Michelle. "Magpakailanman: Arrest My Son's Rapist | Teaser Ep. 317". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-10.
- ↑ "Althea Ablan, Elijah Alejo, at Will Ashley, nagkasama-sama sa latest episode ng 'Wish Ko Lang' | Videos". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-19.
- ↑ Ruiz, Marah (January 19, 2022). "Pagganap ni Will Ashley sa 'Regal Studio Presents: My Favorite Son,' pinusuan ng netizens".
- ↑ Acar, Aedrianne (March 7, 2022). "Daig Kayo Ng Lola Ko: Will Ashley, bibida bilang si Pao Pasaway".
- ↑ "Daig Kayo Ng Lola Ko: Bawal ma-game over!".
- ↑ Ruiz, Marah (March 22, 2024). "Will Ashley at Shayne Sava, magbubukas ng new season ng 'Regal Studio Presents'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Ruiz, Marah (July 28, 2024). "Office newbie tricks top employee in 'Regal Studio Presents: Loving Miss Selfish". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Ruiz, Marah (October 11, 2024). "Will Ashley at Althea Ablan, may furry friend sa 'Regal Studio Presents: Pawfect Match'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Ruiz, Marah (February 14, 2025). "Will Ashley at Mika Reins, reunited sa 'Regal Studio Presents: My Sweet Girl Next Door'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles).
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext] Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.