William S. Harley

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
William S. Harley
William Sylvester Harley.jpg
William S. Harley
Kapanganakan
William Sylvester Harley[1]

Disyembre 29, 1880
NamataySetyembre 18 1943 (edad 62)
Trabahoinhinyerong mekanikal
Taóng aktibo1901–1943
Nakilala saTagapagtatag ng Harley-Davidson Motor Company
AsawaAnna Jachthuber[1]
MagulangWilliam Harley Sr and Mary Smith
Pirma
William S. Harley signature.svg

Si William Sylvester Harley (Disyembre 29, 1880 – Setyembre 18, 1943) ay isang Amerikanong inhinyerong mekanikal at negosyante. Isa siya sa mga nagtatag ng Harley-Davidson Motor Company.[2]

Buhay at karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinanganak si Harley noong 1880 kay William Harley Sr. at Mary Smith na nanggaling sa Littleport, Cambridgeshire, Inglatera at lumipat sa Estados Unidos noong 1860.[1][3][4]

Noong 1901 iginuhit ni Harley ang mga plano para sa makinang ikakabit sa isang ordinariyong bisikleta, at noong kinalaunan ay sinimulan niya itong buoin kasama ang kanyang kaibigang si Arthur Davidson, sa tulong ni Henry Melk, na isang makinista sa Milwaukee.

Kumuha si Harley ng kursong inhinyerong mekanikal sa University of Wisconsin–Madison noong 1907, at noong nag-aaral siya sa nasabing kolehiyo ay nanilbihan siya bilang serbidor sa bahay ng isang kapatiran ng mga lalaki (fraternity) at sa opisina ng arkitekto sa Madison, Wisconsin.[5] Itinatag ni Harley ang Harley-Davidson kasama si Arthur Davidson noong 1903 at nanilbihan bilang inhinyero at tagaingat-yaman hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1943.[6][7]

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagpakasal si Harley noong 1910 kay Anna Jachthuber, kung saan sila ay nagkaroon ng tatlong anak.[1] Nakilala din si Harley sa hilig niya sa pangangaso, pangingisda at golf, at sa pagguguhit at potograpiya.[8]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 D'Ambrosio, Brian. From Football to Fig Newtons: 76 American Inventors and The Inventions You Know By Heart. Lulu.com. mga pa. 107–. ISBN 9781105737725. Nakuha noong 15 September 2016.
  2. "William Sylvester Harley". Find A Grave. Nakuha noong 2008-01-06.
  3. Jean Davidson - Harley-Davidson.
  4. Goulden, Glenda (2008), "2", Foul deeds and suspicious deaths in & around The Fens, Barnsley, Yorks: Wharncliffe Books, pa. 35, ISBN 978-1-84563-072-0
  5. "2005 Annual Report: Engineering Professional Development". UW–Madison College of Engineering. 2005. Nakuha noong 2007-12-02.
  6. William S. Harley sa Motorcycle Hall of Fame
  7. "Company history". Harley-Davidson Corp. Nakuha noong 2007-12-02.
  8. "AMA Motorcycle Museum Hall of Fame: William S. Harley". American Motorcyclist Association. Nakuha noong 15 September 2016.