Xuxa
Xuxa | |
---|---|
![]() Si Xuxa noong 2020 | |
Kapanganakan | Maria da Graça Meneghel 27 Marso 1963 Santa Rosa, Rio Grande do Sul, Brasil |
Ibang pangalan |
|
Mamamayan |
|
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1982 | –kasalukuyan
Kinakasama |
|
Anak | Sasha Meneghel[1] |
Karera sa musika | |
Genre |
|
Instrumento | Boses |
Label |
|
Website | xuxa.com |
Pirma | |
![]() |
Si Maria da Graça Xuxa Meneghel ( /ˈʃuːʃə/ SHOO-shə, pt-BR; isinilang bilang Maria da Graça Meneghel noong ika-27 ng Marso 1963) ay isang tagapagtanghal sa telebisyon, artista, mang-aawit, at negosyanteng Brasilyano.[2] Kilala siya sa bansag na "Reyna ng mga Bata" (The Queen of Children), at siya ang bumuo ng pinakamalaking imperyo ng libangan para sa mga bata sa Amerikang Latino at Timog Amerika.
Noong unang bahagi ng dekada 1990, sabay-sabay siyang nagpalabas ng mga programang pantelebisyon sa Brasil, Arhentina, Espanya, at sa Estados Unidos, na umaabot sa humigit-kumulang dalawampung milyong manonood araw-araw. Ayon sa iba’t ibang sanggunian, ang kabuuang benta ng kanyang mga album ay nasa pagitan ng tatlumpu’t hanggang limampung milyong kopya.[3][4] Gayunpaman, noong taong 2025, ginawaran siya ng parangal ng Som Livre — ang tatak pangrekord kung saan niya inirekord halos lahat ng kanyang mga album — para sa dalawampu’t walong milyong kopyang naibenta sa kabuuan ng kanyang karera at sampung bilyong beses na pinakinggan sa mga platapormang dihital.[5]
Tinatayang umabot sa isandaang milyong dolyar ng Estados Unidos (US$100 milyon) ang kanyang yaman noong unang bahagi ng dekada 1990. Bilang isang matagumpay ding negosyante, si Xuxa ang may pinakamalaking halaga ng yaman sa lahat ng babaeng artistang Brasilyano, na tinatayang nasa apatnaraang milyong dolyar ng Estados Unidos (US$400 milyon).
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Maria da Graça Xuxa Meneghel sa Santa Rosa, Rio Grande do Sul, sa mga magulang na sina Alda (ipinanganak bilang Flores da Rocha) at Luís Floriano Meneghel. May lahing Italyano at Polako siya sa panig ng ama, at may lahing Aleman, Suwiso, at Portuges naman sa panig ng ina. Ang kanyang apong-lolo sa ama ay lumipat sa Brasil mula sa hilagang bayan ng Italya na Imer, na nasa rehiyon ng Trentino-Alto Adige/Südtirol, bandang huli ng ika-19 na dantaon. Noong 2013, nakuha ni Xuxa ang pagkamamamayang Italyano sa pamamagitan ng jus sanguinis (pagkamamamayan ayon sa dugo).[6][7]
Nang ipinanganak si Xuxa, sinabi sa kanyang ama na nanganganib ang buhay ng ina at ng sanggol. Pinili niyang iligtas ang kanyang asawa at nanalangin kay Mahal na Birheng Maria ng mga Grasya, nangakong ipapangalan sa Birheng Maria ang kanilang anak kung magiging maayos ang lahat.[8][9] Bagaman ipinangalan siya sa Birheng Maria ayon sa pangako, nakuha ni Xuxa, ang bunsong miyembro ng pamilyang Meneghel, ang kanyang tanyag na palayaw mula sa kanyang kapatid na si Bladimir. Nang umuwi ang kanilang ina kasama si baby Xuxa, sinabi niya sa kapatid: "Tingnan mo ang sanggol na binili ko para makalaro ka," (Look at the baby I bought for you to play with) sumagot naman ito: "Alam ko, ito ang aking Xuxa." (I know, she's my Xuxa.)[10] Nananatili ang palayaw, subalit noong 1988 pa niya opisyal na pinangalanan ang sarili bilang Maria da Graça Xuxa Meneghel.[11]
Ipinagpaliban ni Xuxa ang kanyang mga unang taon sa kanilang bayan sa Santa Rosa. Nang siya ay pitong taong gulang, lumipat siya kasama ang pamilya sa Rio de Janeiro kung saan nanirahan sila sa kapitbahayanan ng Bento Ribeiro.
Nang siya ay 15 taong gulang, nadiskubre siya ng isang ahensya ng pagmomodelo at nagsimula ang kanyang propesyon bilang modelo sa edad na 16. Sa panahong iyon, nagmodelo si Xuxa sa Brasil at Estados Unidos para sa mga magasin ng moda at panlalaki, kabilang na ang Playboy, at nagsimula rin siyang magkaroon ng relasyon sa retiradong manlalaro ng putbol na si Pelé. Noong 1984, kinuha siya bilang modelo ng Ford Models.
Karera sa musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1986, ang album na Xou da Xuxa ay nakabenta ng mahigit 2.6 milyong kopya, na nagbasag ng rekord sa Timog Amerika para sa benta, at nagkamit ng walong parangal na platino (ibinibigay kada 250,000 kopyang nabenta).[12][13] Sa mga sumunod na taon, inilunsad ni Xuxa ang pitong mga album, kabilang ang Xegundo Xou da Xuxa at Xou da Xuxa 3, at nagrekord ng tatlong LP na may mga kantang isinalin sa wikang Kastila, na nakabenta ng 6.3 milyong kopya.[14][15] Nagrerekord din si Xuxa ng mga kanta sa wikang Ingles, subalit hindi ito opisyal na nailabas.
Mula 1989 hanggang 1996, nakabenta si Xuxa ng 18 milyong album, isang rekord sa bentahan ng musika sa Amerikang Latino. Nakarekord siya ng humigit-kumulang 915 na kanta, at nakapaglabas ng 28 album na nagbenta nang higit sa 55 milyong kopya, at tumanggap ng 400 gintong rekord sa Brasil. Ang album na Xou da Xuxa 3 ay nakabenta nang mahigit 5 milyong kopya, kaya ito ang pinakamabentang album para sa mga bata sa buong mundo, ayon sa Aklat ng Guinness.[16][17]
Noong 2002, inihayag ng magasin na Veja si Xuxa bilang pinakayamang artista sa Brasil, na tinatayang may yaman na $250 milyon. Ayon sa parehong magasin, ang kita ni Xuxa ay maihahambing sa mga bituin ng Hollywood tulad nina Julia Roberts at Keanu Reeves.
Ang musikang bidyo na Xuxa só para Baixinhos ay nakabenta ng mahigit walong milyong kopya, at nanalo ng limang nominasyon at dalawang parangal na Grammy na Latino para sa "Pinakamahusay na Album para sa mga Bata".
Noong 2012, inilabas ng Associação Brasileira dos Produtores de Discos (ABPF) ang listahan ng pinakamabentang DVD sa bansa. Ayon sa ABPD, si Xuxa ay may dalawang DVD sa nangungunang sampu noong 2011: XSPB Volume 1–8 (ikalimang puwesto) at XSPB 11 (ika-siyam).[18]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Terra: Xuxa completa 40 anos" (sa wikang Portuges). 15 Mayo 2013. p. Terra. Nakuha noong 26 Disyembre 2017.
- ↑ Ricardo Valladares (27 Marso 2002). "Nunca houve uma mulher como Xuxa". Revista Veja. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2012. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Xuxa Meneghel retoma carreira musical e lança singles guardados". Band (sa wikang Portuges). 10 Setyembre 2024. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Exclusivo: Xuxa fala sobre maturidade, abuso, preconceito e filme polêmico". Fantástico (sa wikang Portuges). Globo. 1 Nobyembre 2020. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ Valbão, Mariana (27 Marso 2025). "Xuxa é recebida por Paquitos em programa de Ana Maria ao completar 62 anos". CNN Brasil (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2025. Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ "Xuxa ganha passaporte europeu: 'Sou cidadã italiana'" (sa wikang Portuges). 15 Mayo 2013. p. Extra. Nakuha noong 26 Disyembre 2017.
- ↑ "Xuxa conquista cidadania italiana e planeja viagem". Terra (sa wikang Portuges). 15 Mayo 2013. Nakuha noong 5 Marso 2015.
- ↑ "Casa de Xuxa guarda lembranças da infância da apresentadora em Santa Rosa". Patrícia Lima (sa wikang Portuges). 23 Marso 2013. p. Zero Hora. Nakuha noong 28 Setyembre 2013.
- ↑ Da redação (9 Hunyo 2011). " 'Xuxa está dedicando todo o seu tempo para ficar ao lado da mãe', diz assessora" (sa wikang Portuges). Revista Quem. Nakuha noong 25 Setyembre 2013.
- ↑ "Biography: Childhood". xuxa.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-09. Nakuha noong 30 Abril 2015.
- ↑ "Xuxa turns 40 years". Terra (sa wikang Ingles). 27 Marso 2003. Nakuha noong 9 Setyembre 2013.
- ↑ Gustavo Miller; Laura Brentano (2 Hulyo 2011). "Fotos ao redor do mundo que imitam pose da Xuxa viram hit no Facebook". G1 (sa wikang Portuges). Nakuha noong 13 Abril 2025.
- ↑ "Início, quem mais vendeu, álbum com mais cópias: as curiosidades e os números do pop rock no Brasil". G1 (sa wikang Portuges). 2024-04-11. Nakuha noong 2025-03-17.
- ↑ Silva, Jéssica Diogo Da (2021-11-15). Os 100 Maiores Brasileiros De Todos Os Tempos (sa wikang Portuges). Clube de Autores.
- ↑ "Xuxa Meneghel – trajetória". Memória Globo (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Oktubre 2013. Nakuha noong 9 Setyembre 2013.
- ↑ "Nunca houve uma mulher como Xuxa". Ricardo Valladares (sa wikang Portuges). 27 Marso 2002. p. Vwja. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2012. Nakuha noong 5 Marso 2015.
- ↑ "Início, quem mais vendeu, álbum com mais cópias: as curiosidades e os números do pop rock no Brasil". G1 (sa wikang Portuges). 2024-04-11. Nakuha noong 2025-03-17.
- ↑ "Xuxa resiste". Lauro Jardim (sa wikang Portuges). 19 Marso 2012. p. Veja. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2013. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.