Pumunta sa nilalaman

Yagodnoye, Magadan Oblast

Mga koordinado: 62°31′15″N 149°37′15″E / 62.52083°N 149.62083°E / 62.52083; 149.62083
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yagodnoye

Я́годное
Lokasyon ng Yagodnoye
Map
Yagodnoye is located in Russia
Yagodnoye
Yagodnoye
Lokasyon ng Yagodnoye
Yagodnoye is located in Magadan Oblast
Yagodnoye
Yagodnoye
Yagodnoye (Magadan Oblast)
Mga koordinado: 62°31′15″N 149°37′15″E / 62.52083°N 149.62083°E / 62.52083; 149.62083
BansaRusya
Kasakupang pederalMagadan Oblast
Distritong administratiboYagodninsky District
Itinatag1934
Katayuang pamayanang uring-urbano mula noong1953
Populasyon
 (Senso noong 2010)[1]
 • Kabuuan4,210
Sona ng orasUTC+11 ([2])
(Mga) kodigong postal[3]
686230Baguhin ito sa Wikidata
OKTMO ID44722000051

Ang Yagodnoye (Ruso: Я́годное) ay isang pamayanang uring-urbano (o bayan) sa Magadan Oblast, Rusya. Hango ang pangalan ng bayan sa salitang Ruso na "yagoda", na nangangahulugang "berry".

Matatagpuan ang pamayanan sa timog-kanlurang bahagi ng Bulubunduking Chersky sa kaliwang pampang ng Ilog Debin, isang sangay ng Ilog Kolyma. Nasa mga 340 kilometro sa hilagang-kanluran ng kabisera ng oblast na Magadan, ngunit ito'y 550 kilometro sa pamamagitan ng daan.

Itinatag ang Yagodnoye noong 1934 kaakibat ng pagtatayo ng Lansangang Kolyma at ang pag-unlad ng industriyang pagmina ng ginto sa lugar. Mula 1949 hanggang 1957, nakahimpil dito ang pangasiwaan ng kampo ng sapilitang gawa na SevLag sa bahaging Dalstroy ng sistemang gulag, kung saang aabot sa 15,800 bilanggo ay ginamit sa pagmina ng ginto, pagtatayo ng daan, at pagtotroso.[4]

Nang itinatag ang Yagodninsky District noong 1953, ginawaran ang Yagodnoye ng katayuang pampamayanang uring-urbano.

Historical population
TaonPop.±%
1989 11,024—    
2002 5,050−54.2%
2010 4,210−16.6%
Senso 2010: [1]; Senso 2002: [5]; Senso 1989: [6]

Ekonomiya at imprastraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nananatiling pagmimina ng ginto ang pangunahing industriya ng pamayanan, bagamat malaki ang binaba nito mula nang bumagsak ang Unyong Sobyet noong 1991. Dumanas din ang ibang mga industriya tulad ng paggawa ng pagkain at mga materyales sa konstruksiyon. Nangangahulugan ito na umalis na ang malaking bilang ng populasyon mula dekada-1990.

Mula Yagodnoye, maabutan ang Magadan sa pamamagitan ng Lansangang Kolyma, kasama ang mga daang sangay na papunta sa mga dating nagmiminang pamayanan ng Verkhny At-Uryakh at Elgen.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  4. Northern labour camp, Gulag history at Memorial.de (German)
  5. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)