Ylona Garcia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ylona Garcia
KapanganakanYlona Jade Garcia
(2002-02-28) Pebrero 28, 2002 (edad 17)
Sydney, Australya
PinaninirahanMaynila, Pilipinas
NasyonalidadPilipino, Australyano
Pag-aaralAngelicum College
Hanapbuhay
Mga taon ng kasiglahan2015–kasalukuyan
AhenteStar Magic (2015–kasalukuyan)
Kilala dahil saPinoy Big Brother: 737
On the Wings of Love
We Love OPM: Oh My Girls
ASAP (variety show)
Karerang pang-musika
Genre
Mga Instrumento
Taong aktibo2015–kasalukuyan
Mga tatakStar Music (2016–kasalukuyan)
Mga nakaugnay na aktoBailey May, ASAP BFF5

Si Ylona Jade Navalle Garcia, higit na kilala bilang Ylona Garcia (ipinanganak 28 Pebrero 2002) ay isang aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Sya ay ipinanganak at lumaki sa Sydney, Australya sa parehong Pilipinong mga magulang na sina Peter Garcia at Caridad Navalle-Garcia. Nakilala si Garcia matapos nyang sumali sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nito noong Hunyo 2015. Si Ylona ay binigyan ng bansag na "Daldal Darling ng Australia" sa naturang palabas at itinanghal na Second Teen Big Placer sa pagtatapos nito.

Matapos ang paglabas nya sa Pinoy Big Brother ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas ni Garcia sa iba pang mga programa ng ABS-CBN gaya ng It's Showtime, kung saan napanood silang magtanghal ng kanyang ka-loveteam at malapit na kaibigan na si Bailey May. Nakilala din si Garcia matapos niyang maging parte ng teleseryeng, On the Wings of Love na pinagbidahan nila James Reid at Nadine Lustre. Si Garcia ay kasalukuyang mapapanood sa ASAP.

Ang paunang album ni Garcia ay pinamagatang My Name Is Ylona Garcia na inilunsad kasabay ng kanyang Digital Concert noong Hulyo ng 2016. Inilabas ito sa digital (iTunes at Spotify) at pisikal na porma sa ilalim ng Star Music.

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Year Title Role(s) Type of Role Network
2015 Pinoy Big Brother: 737 Herself Housemate/ 2nd Teen Big Placer
ABS-CBN
Trending:Love Sophie Mendoza Main Role in PBB Short Film Task
2015–present ASAP Herself Performer/ Member of ASAP BFF's
2015 It's Showtime Herself Guest/ Performer
2015–2016 On the Wings of Love Audrey Olivar Extended cast
2016 MYX Herself Celebrity VJ
We Love OPM Herself Member of Oh My Girls
2018 Sana Dalawa ang Puso Tadhana Tabayoyong



ArtistaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.