Pumunta sa nilalaman

Ureter

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yuriter)

Sa anatomiya ng tao, ang mga ureter, mga yuriter o mga yureter ay ang mga tubong yari sa hibla o tisyu ng makikinis na mga masel na nagtutulak ng ihi magmula sa mga bato papunta sa pantog na pang-ihi. Sa isang taong nasa hustong gulang na, ang mga ureter ay karaniwang 25–30 sentimetro (10–12 mga pulgada) ang haba at ~3-4 mm ang diyametro.

Sa mga tao, nagsisimula ang mga ureter mula sa pelbis na renal (pelbis na pambato) na nasa aspetong midyal o panggitna ng bawat isang bato bago bumabang papunta sa pantog na nasa harapan ng masel na malaking psoas. Ang mga ureter ay tumatawid sa labi ng butong pambalakang na malapit sa bipurkasyon o pagsasanga ng mga arteryang iliako (na tinatawid nilang pa-anteryor). Ito ay isang pangkaraniwang pook ng impaksiyon o salpukan ng mga bato sa bato ng tao (na ang iba pa ay ang balbulang ureterobesikal, kung saan nakakatagpo ng mga ureter ang pantog, at ang salikop na pelbo-uteriko, kung saan nakakatagpo ng pelbis na renal ang ureter sa loob ng hilum na pambato (hilum na renal). Ang mga ureter ay tumatakbong pa-posteroinperyor sa panggilid na mga dingding ng buto ng balakang at pagkaraan ay kumukurbang pa-anteryor-midyal upang makapasok sa pantog sa pamamagitan ng paglagos sa likuran, doon sa salikop na besikoureteriko, na tumatakbo nasa loob ng dingding ng pantog na may isang mangilan-ngilang mga sentimetro. Ang daloy na pabalik ng ihi ay naiiwasan sa pamamagitan ng mga balbulang nakikilala bilang mga balbulang ureterobesikal.

Sa kababaihan, ang mga ureter ay dumaraan na lumalagos sa mesometrium at sa ilalim ng mga arteryang uterino (mga arteryang pambahay-bata) habang papunta sa pantog na pang-ihi. Isang mabisang parirala para sa pag-alala ng ganitong ugnayang pang-anatomiya ay ang "tubig (ureter) sa ilalim ng tulay (mga arteryang uterino o vas deferens)."

Ang mga ureter ay natatagpuan din sa lahat ng iba pang mga espesyeng amniota, bagaman gumaganap ng katulad na gampanin ang ibang mga dukto (padaluyan o paagusan) sa mga ampibyano at mga isda.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Romer, Alfred Sherwood; Parsons, Thomas S. (1977). The Vertebrate Body. Philadelphia, PA: Holt-Saunders International. p. 378. ISBN 0-03-910284-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.