Pumunta sa nilalaman

Zimri

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zimri
Zimri, guhit ni
Rudolf von Ems' Chronicle of the World
Kaharian ng Israel (Samaria)
Panahon 876 BCE o 885 BCE
Sinundan Elah
Sumunod Tibni, Omri

Si Zimri (Hebrew: זִמְרִי, Zīmrī, lit. "kapuri-puri", tranliterasyon rin bilang Zambri dahil sa korupsiyong Griyego ng Omri ay isang hari ng Kaharian ng Israel (Samaria). Siya ay naghari ng 7 araw. Ayon kay William F. Albright, siya ay naghari noong 876 BC, samantalang ayon kay E. R. Thiele ay naghari noong 885 BCE.[1] Si Zimri ay isang komandante ng hukbo na pumatay kay Elah at lahat mga kasapi ng pamilya nito sa Tirzah. Siya ay naghari lamang ng pitong araw dahil hinirang ng hukbo si Omri bilang hari. Kinubkob ni Omri ang Tirzah at dahil hindi na mapanatili ang kanyang pagiging hari, sinunog ni Zimri ang palasyo at nagpatiwakal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257