Pumunta sa nilalaman

Google Alerts

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Google Alerts Logo

Ang Google Alerts ay nagbibigay ng "updates" sa mga napapanahon at kaugnay na "Google results" ito man ay mapabalita o mapa- websayt o kung ano pa man, base sa mga napiling "keywords" o paksa.

Makabuluhan ang paggamit nito para alamin ang mga balita o kaganapan na patuloy o kasalukuyan nagaganap o pinag-uusapan, upang malaman ang mga pagbabago sa kakumpetensya o industriya, upang malaman ang pagbabago sa paboritong artista o personalidad at upang malaman ang mga pangyayari hinggil sa palakasan, at marami pang iba.

Makapipili sa kasalukuyan kung ang resulta o impormasyon ay manggagaling sa balita, web, o usapan sa Google Groups. Maaari ring matanggap ang mga impormasyong napili isang beses sa isang araw, habang ito ay nagaganap, o isang beses sa isang linggo.

Dadalawa lamang ang kinakailangan dito. Ang "search terms" at email address.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.