Unang Pahina/Temp

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Maligayang pagdating sa Wikipedia,

47,379 mga artikulong nasa Tagalog.

Patungkol · Magtanong · Mag-ambag · Magbago · Tulong

Paksain · Indeks mula A hanggang Z

Napiling artikulo
Ang Lungsod ng Maynila sa gabi. Kinuha ang litrato sa Harbour Square
Ang Lungsod ng Maynila sa gabi. Kinuha ang litrato sa Harbour Square

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Mga kasalukuyang kaganapan
  • Nagbitiw si Migz Zubiri (nakalarawan sa kaliwa) bilang Pangulo ng Senado ng Pilipinas at pinalitan ni Francis Escudero (nakalarawan sa kanan).
  • Nanumpa si Lai Ching-te bilang Pangulo ng Taiwan, kasama si Hsiao Bi-khim, ang kanyang Bise Presidente.
  • Naging umaaktong pangulo ang unang pangalawang pangulo ng Iran na si Mohammad Mokhber kasunod ng pagkamatay ni Ebrahim Raisi.
  • Nagpasya ang Korteng Pangkonstitusyon ng Timog Aprika na ang Pangulong Jacob Zuma ay hindi karapat-dapat na tumakbo sa paparating na halalang parlyamentaryo dahil sa pagsintensya sa kanya makulong noong 2021.
  • Ginawaran ng mga hukom si Julian Assange ng permiso na mag-apela sa kanyang ekstradisyong utos mula sa Reyno Unido tungong Estados Unidos.
Napiling larawan

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana

May-akda ng larawan: A.Savin

Alam ba ninyo

Sa araw na ito ...

Hunyo 1
Gorbachev
Gorbachev

Mga huling araw: Mayo 31Mayo 30Mayo 29

Ngayon ay Hunyo 1, 2024 (UTC) – Sariwain ang pahina





Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館

Pag-uugmang Multilingwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia