Pumunta sa nilalaman

Lindol sa Kapuluang Solomon noong 2007

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Lindol sa Kapuluang Solomon noong 2007 ay naganap noong Abril 2, 2007 malapit sa pulo ng Gizo, sa Kapuluang Solomon. Tinatayang umabot sa 8.1 ang kalakasan ng lindol, ayon sa United States Geological Service (USGS).

Ayon sa USGS, itinala ang lindol noong 7:39 a.m. lokal na oras (6:40 N.U. EST sa Australia) (UTC11+). Ang pokus nito ay 10 km (6 mi) ang lalim at 40km (25mi) timog-timog-silangan ng Gizo sa Kapuluan ng mga Bagong Pulo ng Georgia.[1] Matapos ang unang lindol, nagkaroon ng maraming pagyanig, kung saan umabot sa 6.2 ang kalakihan ng pinakamatindi sa mga ito.

Dalawampu't-walong katao ang namatay nang nilusob ng isang tsunami, na idinulot ng isang lindol, ang Kapuluang Solomon, at sumira sa labing-tatlo o marami pang mga baryo.[2] Libu-libo ang nawalan ng tahanan, at tinatayang aabot sa milyun-milyon ang pinsalang dulot nito. Sinusubukan ng mga tagapagligtas na mapuntahan ang ibang mga pulo, at inaasahang tataas ang bilang ng mga namatay. Sa Timog Choiseul, winasak ng mga along may taas ng 10 metro ang mga nayon, mga hardin at isang pagamutan.[3] Humigit-kumulang na 900 bahay ang nasira at 5000 katao ang nawalan ng bahay.[4]

Umabot sa Papua New Guinea ang tsunami, kung saan isang pamilyang may limang kasapi ang nawawala sa isang malayong pulo na dinaanan ng tsunami.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Magnitude 8.1 - SOLOMON ISLANDS". USGS Earthquake Hazards Program. USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-06. Nakuha noong 2007-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Report: Tsunami leaves thousands homeless in the hills". News Limited. 2007-04-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-04. Nakuha noong 2007-04-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Report: Death toll in Solomons at 15". News Limited. 2007-04-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-09. Nakuha noong 2007-04-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Report: Solomons tsunami aid stepped up". BBC News. 2007-04-02. Nakuha noong 2007-04-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.