Wikipedia:Usbong

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
✔ Ang gabay na ito ay isang bahagi ng Gabay sa Istilo ng Wikipediang Tagalog. Kailangang sundin ito ng mga Wikipedista, maliban na lamang kung mapapaganda ng likas na pagkukuro at paminsan-minsang pagsuway ang artikulo. Baguhin ang pahinang ito sa pamamagitan ng sang-ayunan nang inimumungkahi muna ang mga pagbabago sa pahinang usapan.
Mga tuwirang daan:

Ang usbong (o stub) ay isang napakaikling artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensiyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensiyon ay makukumpleto at maigiging makabuluhan ang mga stub o usbong. Ito ang unang hakbang upang maging kumpletong artikulo ang isang paksa o topic na makatutulong sa pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia, ang Malayang Ensiklopedya.

Tumulong sa pagpapalawig o pagpapayabong pa ng mga artikulong usbong o stub ng Tagalog Wikipedia. Salamat.

Suleras[baguhin | baguhin ang batayan]

  • {{Usbong}}, isang payak na suleras na ginagamit sa pagtatatak ng pahinang usbong pa lamang. Maaari itong maging kombinasyon para maging mas angkop sa pahina, lathalain, o paksa; katulad ng {{stub|Tao|Pilipinas|Kasaysayan}}. Sa kasalukuyan, hanggang tatlo lamang ang kombinasyong magagamit; maaari ring panatilihing isa o dalawa lamang kung nais.

Gabay sa paggamit[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang paksa[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang {{stub}} (o {{usbong}}) ay isang pangkalahatang suleras na pang-usbong. Wala itong ibinibigay na parametro.

May paksa[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang {{stub|Pangalan ng Paksa}} ay isang suleras na pang-usbong na nilalagyan ng kung tungkol saan ang usbong sa mga parametro. Pinakamaraming maaaring ibigay ay tatlo. Ang nangyayari riyan ay kapag nilagay halimbawa na ang "Katagalugan", katulad ng {{stub|Katagalugan}}, kinukuha ng suleras ang larawang nakalagay sa Suleras:Stub/Katagalugan. Mangyayaring kailangang gawan ng subpahina (kabahaging pahina) sa Suleras:Stub ang bawat kaugnay na paksa. Para itong {{stub|Pilipinas|Katagalugan}} (o {{stub|Pilipinas|Katagalugan}}), kung saan kumukuha ang suleras ng mga larawan mula sa Suleras:Stub/Pilipinas at Suleras:Stub/Katagalugan.

Mga patakaran sa pagpapaksa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Para sa mga bansa, gamiting larawan ang kanilang mga bandila.
  • Hinggil sa paglalagay ng mga larawan sa kabahaging pahina, tinatanggal na ang unlaping katulad ng Larawan:, File:, o Image:. Mananatili lamang ang pinakapangalan ng larawan. Bilang dagdag paliwanag: kung gagawa ng subpahina para sa mga paksa, gumawa sa Suleras:Stub/pangalan ng paksa. Ilagay roon ang larawang papupuntahan. Pagbasehan ang Suleras:Stub/Pilipinas, at para sa kadalian, ang gagawinng subpahina ay dapat nagsisimula sa malaking titik Suleras:Stub/'''''P'''''elikula.

Mga umiiral na kabahaging pahina[baguhin | baguhin ang batayan]