Arkitektura ng tanawing panlupa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang arkitekturang pantanawin o arkitektura ng tanawing panlupa (Ingles: landscape architecture) ay ang pagdidisenyo ng panlabas na pampublikong mga pook, mga palatandaang pook (mga muson o muhon), at mga kayarian upang makapagkamit ng mga resultang pangkapaligiran, panlipunan, pang-ugali, at estetiko. Kinasasangkutan ito ng masistemang pagsisiyasat ng umiiral na mga kalagayan at mga prosesong panlipunan, pang-ekolohiya, at pangheolohiya sa tanawing panlupa, at ang pagdidisenyo ng mga pamamagitan o interbensiyon na makakagawa ng hinahangad na resulta. Nasasaklawan ng propesyon ang mga sumusunod: disenyong urbano; pagpaplano ng pook (pagpaplano ng sityo); pamamahala ng tubig ng bagyo; pagpaplanong pambayan o pagpaplanong urbano; restorasyong pangkapaligiran; pagpaplano ng mga liwasan at rekreasyon; pamamahala ng napagkukunang biswal; pagpaplano at probisyon ng imprastrukturang lunti; at may kasanayang pagbabalak at pagdidisenyo (master planning and design) ng tanawin sa pribadong lupain at residensiya; na ang lahat ay nasa magkakaibang mga sukat ng disenyo, pagpaplano at pamamahala. Ang isang praktisyunero sa propesyon ng arkitektura ng tanawing panlupa ay tinatawag na arkitektong pantanawin o arkitekto ng tanawing panlupa.

Mga sanggunian[baguhin]


Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.