Awtokrasya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Autokrasya)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang awtokrasya, mula sa Griyegong "αὐτο" (sarili) + "kratos" (kapangyarihan o pamahalaan), ay isang sistema ng pamahalaan kung saan ang kataas-taasang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao lamang o ng awtokrato. Sa isang awtokrasya, walang legal na balakid o regular na mekanismong magpapakitang may impluwensiya ang sambayanan sa kapasiyahan ng isang awtokrato (maliban kung may kudeta o malawakang pag-aalsa).[1]

Kasaysayan at etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ginagamit ang salitang Autocrates (Αὐτοκράτης) sa Medyebal na wikang Griyego, upang tukuyin ang kahit sino mang may titulong emperador, kahit pa walang kaugnayan sa aktuwal na kapangyarihan ng isang monarko. Kasama ang titulong Autokrato sa estilong opisyal ng ilang monarkong Slavic sa kasaysayan, gaya ng mga Rusong czar at emperador, upang maitangi sila iba pang mga monarkong konstitusyonal ng Europa.

Paghahambing sa ibang pang uri ng pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Malimit, ngunit hindi kinakailangang, maihanay ang awtokrasya sa totalitaryanismo at diktadurang militar. Ang totalitaryanismo ay isang sistema kung saan pinagsisikapang kontrolin ng isang estado ang bawat aspekto ng buhay at lipunang sibil. Maaari itong pamunuan ng isang kataas-taasang diktador, ito'y magiging awtokratiko, ngunit maari din itong magkaroon ng kolektibong pamunuan gaya ng isang komuna o partidong politikal.

Sa isang analisis ng mga alítang militar sa pagitan ng dalawang estado, kapag awtokrasya ang isang estadong nasasangkot dumodoble ang panganib na mauwi ito sa karahasan.[2]

Pagpapanatili[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil nangangailangan ng estruktura ng kapangyarihan upang mamuno ang mga awtokrato, mahirap matukoy ang pagkakaiba ng mga awtokrasya sa tala ng kasaysayan mula sa mga oligarkiya. Nakasalalay sa mga noble, militar, kaparian, o iba pang elitistang grupo ang karamihan ng mga awtokrato sa kasaysayan.[3] Naikakatuwiran ng ilang mga awtokrasya na ang kanilang karapatan sa kapangyarihan ay banal.

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Autocracy: A Glossary of Political Economy Terms - Dr. Paul M. Johnson". Auburn.edu. http://www.auburn.edu/~johnspm/gloss/autocracy. Hinango noong 2012-09-14. 
  2. Pinker, Steven (2011). The Better Angels Of Our Nature. Pg.341: Penguin. ISBN 978-0-141-03464-5. 
  3. Tullock, Gordon. "Autocracy", Springer Science+Business, 1987. ISBN 90-247-3398-7