Pumunta sa nilalaman

Divina Commedia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Banal na Komedya)
Comencia la Comedia, 1472

Ang Divina Commedia (Italyano; lit. Banal na Komedya), na mas kilalá bílang Divine Comedy, na isinulat ni Dante Alighieri mula 1308 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1321 ang malawakang itinuturing na pangunahing epiko ng literaturang Italyano, at isa sa mga pinakadakilang akda sa literaturang pandaigdig. Sa kalakihan ng impluwensiya nito, naaapekto nito hanggang sa kasalukuyan ang Kristyanong pananaw ukol sa Kabilang Buhay.

Binubuo ang Komedya ng tatlong cantica: ang Inferno, Purgatorio, at Paradiso, at binubuo ang bawat isa nito ng mga canto: 34 sa una, 33 sa ikalawa, at 33 sa ikatlo. Nagsisilbi ang Inferno bilang panimula ng buong epiko, na ginawang 33 canto ang haba ng bawat cantica. Kilala ang bilang 3 sa gawang ito, na kinakatawan ng haba ng bawat cantica, at sinadya rin na 100 ang bilang ng pinagsama-samang mga canto. Ang ginamit iskimang bersikulo na terza rima ay ang hendecasyllable (linya ng labing-isang pantig), na may linyang binubuo ng mga tercet sang-ayon sa iskimang tugma na ABA BCB CDC . . . YZY Z.

Nagsasalita ang manunula sa unang persona sa kaniyang paglalakbay sa tatlong lunan ng mga nangamatay noong Semana Santa ng Tagsibol ng 1300. Si Virgil , ang Romanong manunula at may-akda ng Aeneis, ang nagsilbing kaniyang gabay sa Impiyerno at Purgatoryo, at si Beatrice, ang huwarang ganap na babae para kay Dante, ang naging gabay niya sa Paradiso. Ipinangalan si Beatrice sa isang babaeng maliban sa asawa ni Dante, na hindi pinapaniwalaan na siya'y nasangkot; hinahangaan lamang niya mula sa malayo.

Makikita niya sa iba't ibang mga pook ang mga tauhan mula sa kasaysayan, mga parusang ipinapataw sa mga makakasalanan, at ang mga gantimpalang iginagawad sa mga mabubuti.

Nasa Impiyerno ang mga lubhang nagkasala na pinaparusahan ng walang-hanggan sa mga Siyam na Bilog ng Impiyerno nang naayon sa kanilang mga ginawa. Makikita ni Dante si Satanas sa pinakamababa at pinakamalamig na baitang ng Impiyerno (na nasa gitna ng mundong bilog), at sasakyan nila ni Virgil ito hanggang sa paanan ng Bundok ng Purgatoryo.

Mula roon, makikita niya ang Pitong Teraso ng Purgatoryo, na nasa kabiláng dako ng bilog na mundo, at ang pagsasalinis ng mga nagkasalang naroroon.

Sa Siyam na Globo ng Langit masisilayan niya ang mga nagtaglay ng mga birtud ng Katarungan, Katapangan, Pagtitimpi, Kahinahuna, Pananampalataya, Pag-asa, at Pag-ibig. Sa dulo nito masisilayan niya ang misteryo ng Banal na 'Santatlo.

Bituin ang hulíng salita sa bawat tatlong bahagi ng Komedya.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.