Bangka

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang bangka ay isang sasakyang ginagamit sa paglalakbay sa tubig. Mas maliit ito kaysa isang lantsa, yate, barko o bapor. Ilang mga bangka ang may mga layag, ngunit may ilang ginagamit ng mga sagwan upang umusad, at may ilan pa ring ginagamitan ng mga motor. Karamihan sa mga karaniwang bangka ang yari sa kahoy, subalit may ilang mga bahagi gawa sa metal tulad ng bakal at aluminyo. May mga mamahaling mga bangkang may bahaging yari sa salaming pibra o kaya kompositong materyal. Kabilang sa ibang tawag o halimbawa ng bangka ang lunday, batel, para, baroto, binta (mula sa vinta), biniray, kumpit, kasko, kalalos, o palwa bangkilas. Natatawag ding bangka ang lalagyan ng pagkaing kahugis ng bangka, katulad ng ginagamit para sa sorbetes na may saging (kilala sa Ingles bilang banana boat).[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Boat". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Transportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.