Pumunta sa nilalaman

Broadway Boys

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Broadway Boys in concert)

Ang Broadway Boys ay isang pangkat ng batang mang-aawit na nagtatanghal tuwing Sabado sa Eat Bulaga! na kinabibilangang nina Joshua Torino, Joshua Lumbao, Benidict Aboyme, at Francis Aglabtin. Sila ang mga nanalo sa patimpalak na Eat Bulaga! noong 2017 na "Lola's Playlist" na kabahagi rin ng "Kalyeserye." Ipinangalan silang "Broadway Boys" dahil umaawit sila sa Broadway Centrum, ang istudiyo ng Eat Bulaga!.[1]

Sa kanilang pagtatanghal na tinatawag na Broadway Boys Concert Series, nakakasama nila ang iba't ibang mga batikang mang-aawit tulad nina Dulce,[2] Kuh Ledesma, Lani Misalucha, Celeste Legaspi, Rico J. Puno, Regine Velasquez at John Ford Coley.[1] Nakasama din nila ang mga host ng Eat Bulaga! sa pagtatanghal na pinamagatang "Dabarkads Concert Series with The Broadway Boys."[3] Ang kanilang pagtatanghal kasama ang host ng Eat Bulaga! na si Maine Mendoza ay nag-trending sa Twitter at umani ng 1.23 milyong mga tweet.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Salterio, Leah (Enero 29, 2018). "Bulaga's Broadway Boys". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 20, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Dulce, emosyonal sa pag-awit ng classic hits ni Willy Cruz kasama ang 'Broadway Boys'". GMA News. Abril 27, 2017. Nakuha noong Hulyo 20, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gabinete (Hunyo 16, 2018). "Eat Bulaga! concert ni Maine Mendoza with Broadway Boys, nag-trending!". Philippine Entertainment Portal. Nakuha noong Hulyo 20, 2018. {{cite news}}: Unknown parameter |firat= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Nardo, Jun (Hunyo 17, 2018). "Maine nagpaka-Concert Queen Sa Bulaga; pinaiyak ang mga fans at dabarkads". Bandera. Nakuha noong Hulyo 20, 2018. {{cite news}}: More than one of |website= at |newspaper= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)