Buckminster Fuller

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
R. Buckminster Fuller
Kapanganakan 12 Hulyo 1895(1895-07-12)
Milton, Massachusetts
Kamatayan 1 Hulyo 1983 (edad 87)
Los Angeles, California, U.S.
Hanapbuhay Visionary, designer, architect, author, inventor
Asawa Anne Fuller
Anak 2


Si Richard Buckminster “Bucky” Fuller (Hulyo 12, 1895Hulyo 1, 1983)[1] ay isang Amerikanong bisyonaryo, dibuhista, arkitekto, manunula, manunulat, at imbentor. Siya ang pangalawang Pangulo ng Mensa.[2]

Sa kanyang buhay, nababahala siya sa katanungang "May pagkakataon ba ang sangkatauhan na makaligtas ng matagal at matagumpay sa planetang Daigdig, at kung gayon nga, paano?" Tinuturing ang kanyang sarili bilang karaniwang indibiduwal na walang natatanging pananalaping panggastos o akademyang antas,[3] pinili niyang iukol ang kanyang buhay sa katanungang ito, sinusubukang hanapin kung paano mapabuti kalagayan ng sangkatauhan na hindi likas na magagawa ng malalaking organisasyon, mga pamahalaan o pribadong korporasyon.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Encyclopædia Britannica. (2007). "Fuller, R Buckminster". Encyclopædia Britannica Online. http://www.britannica.com/ebc/article-9365050. Nakuha noong 2007-04-20. 
  2. Serebriakoff, Victor. "The Odd Way Mensa Began." (nakaugnay sa websayt ng Western Pennsylvania Mensa) [1]
  3. Fuller, R. Buckminster (1981). Critical Path. New York: St. Martin's Griffin. pp. p. 124. ISBN 0312174918.